Mataas ang blood sugar
Hi mommies, i'm 11 weeks pregnant po and nadiagnose na mataas ang sugar ko. Galing na ako sa diabetologist kanina kaso nahirapan talaga akong macapture yung ibang sinabi nya :( 4x a day daw ako magchecheck ng blood sugar ko at ililista dun sa sheet na binigay ni doc para matrack yung sugar ko. Ano po bang tawag sa device na ginagamit para macheck yung sugar? May idea din ba kayo kung magkano at saan ako makakabili nun? Any tips din po paano nyo napababa sugar nyo? Thank you sana po may sumagot, God bless po :) #advicepls #1stimemom #pregnancy
gagamit ka ng glucometer to check your blood sugar daily. Gawa ka ng table chart per day na nakalagay ang mga sumusunod: FBS 2HRS AFTER BF 2HRS AFTER LUNCH 2HRS AFTER DINNER kung sa mercury or watsons ka bibili mahal aabot ka ng 2k plus. kubg pupunta ka sa bambang kng saan maraming medical supplies may mabibili ka na less 2k. pero make sure mo na pag bumili ka eh ung strips na need sa glucometer mabili mo lang din mabibili sa mercury o watsons. dont buy a glucometer na sa iisang store mo lang mabibili kasi mahihirapan ka makahanap. i am using ONE TOUCH SELECT. nabili ko sa bambang mga around 1600-1800 ata un may kasamang 100pcs lancets at 25pcs na strips. tapos ung strips nabibili ko sa mercury around 668 per tube of 25pcs. kaya naman mapababa blood sugar mo kung magbabawas ka ng carbs like bread and rice. tapos iwas sugary food and drinks.
Magbasa paHindi lang po glucometer ang kailangan nyo. Kailangan nyo po mag pa dietitian. Kailngan mo ng meal plan everyday. Napakataas po ng blood sugar nyo after 2 hours delikado po gestational diabetes tawag dyan. Meron ako ngaun 37 weeks pregnant na ako. Talagang maingat ako sa mga kinakain ko at chinicheck ko din ung blood sugar ko 1 hr after meal. Di na ako nag white rice kasi talagang tumataas blood sugar ko wheat bread na lang ako. Iwas sa matamis at pagkain ng mataas sa carbs. Sabi ng doctor ko kelangan tiisin kasi delikado para sa mommy and sa baby kapag sobrang taas ng blood sugar. Sa sobrang takot ko ba lang na sinabi ng ob ko na pwede mamatay si baby sa loob kapag hindi naagapan. Kaya ito tiis tiis malapit na makaraaos. Basta kaya nyo po yan
Magbasa paako din early nadetect na may Gestational diabetes po ako. I'm 27 weeks preggy now mas maganda po mag red rice ka.. 4x a day din po ako magcheck ng sugar ko and nag iinsulin na din po ako now.. better ask sa mga mercury or watsons kung anong meron silang available na pang check na sugar na di ka po mahihirapan bumili ng strips kasi sis may mga brand na mahirap hanapin ang strip..
Magbasa paMay nagsabi sa akin kaen daw ampalaya, iwas sa sweets, more water 2-2.5Ls baka naman sumobra ka sa water pwede na yang water na yan. Mag brown rice instead white rice. Wheat Bread at Oats. 🤗
glucometer sis.. sa generics pharmacy ako bumili 1500 lng pag bumili ka ng strips ksama n dun lancets mkktipid ka. ska iwas k s sweets at konti lng rice mo at whole wheat bread lng
glucometer sis. iwas ka din sa matamis at sa rice pag mag rice ka 1cup lang. pwede rin oatmeal wag mo ng lagyan ng asukal at wheat bread.
mommies thank you po sa mga advice nyo, malaking tulong po sakin. susundin ko po yan para sa ikakabuti na din ni baby :)
glucometer po tawag,2k+ depende sa brand,accu-check brand nung sakin.
sa mga drugstore momi,my mga free blood test sa mga drugstore..for sugar.
water therapy ka momi,iwas sa mtamis.
mommy of 1 cute baby boy