Mataas ang blood sugar

Hi mommies, i'm 11 weeks pregnant po and nadiagnose na mataas ang sugar ko. Galing na ako sa diabetologist kanina kaso nahirapan talaga akong macapture yung ibang sinabi nya :( 4x a day daw ako magchecheck ng blood sugar ko at ililista dun sa sheet na binigay ni doc para matrack yung sugar ko. Ano po bang tawag sa device na ginagamit para macheck yung sugar? May idea din ba kayo kung magkano at saan ako makakabili nun? Any tips din po paano nyo napababa sugar nyo? Thank you sana po may sumagot, God bless po :) #advicepls #1stimemom #pregnancy

Mataas ang blood sugar
11 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Hindi lang po glucometer ang kailangan nyo. Kailangan nyo po mag pa dietitian. Kailngan mo ng meal plan everyday. Napakataas po ng blood sugar nyo after 2 hours delikado po gestational diabetes tawag dyan. Meron ako ngaun 37 weeks pregnant na ako. Talagang maingat ako sa mga kinakain ko at chinicheck ko din ung blood sugar ko 1 hr after meal. Di na ako nag white rice kasi talagang tumataas blood sugar ko wheat bread na lang ako. Iwas sa matamis at pagkain ng mataas sa carbs. Sabi ng doctor ko kelangan tiisin kasi delikado para sa mommy and sa baby kapag sobrang taas ng blood sugar. Sa sobrang takot ko ba lang na sinabi ng ob ko na pwede mamatay si baby sa loob kapag hindi naagapan. Kaya ito tiis tiis malapit na makaraaos. Basta kaya nyo po yan

Magbasa pa