Third party / Fling sa workplace
Hello mommies. Wala akong ibang masabihan, kaya dito ko na lang ishashare. Kamakailan lang, nag-confess ang partner ko na may nangyari siyang fling sa workplace niya na nagsimula sa pagbebenta ng sandwich ng babae, at parang gusto niyang iparating na ginayuma siya. Noong mga panahong iyon, ako ay dumaranas ng binat—ilang buwan akong may sakit ng ulo at katawan at hindi ko alam kung saan ito nanggagaling. Siguro sobrang pagod dahil ako lang ang nag-aalaga sa dalawang anak namin. Late na namin nalaman na binat pala nung nagpatawas kami, kasi ilang check-up na ako sa doktor at ok naman, kaya nagtataka ako. Nagsimula ang fling late January at June pa lang ako umokay. Noong mga panahong iyon, halos wala akong energy at wala sa mood makipag-do sa partner ko, pero paminsan-minsan pinagbibigyan ko siya kahit masama ang pakiramdam ko dahil alam kong isa yun sa mga needs niya. Naging moody din ako at lalong naging anxious dahil sa kung ano-anong nararamdaman ko sa katawan noon. Nung nag-confess siya isang linggo ago, sobrang nakukunsensya daw siya sa ginawa niya. Sinabi niyang dalawang beses nangyari sa kanila. Ang una noong May, naging impulsive lang daw siya, tapos blinackmail siya nung babae na magsusumbong sa akin at humingi ng 5k. Ang pangalawa noong June, parang ginanti na lang niya ang sarili niya kasi parang naisahan siya nung babae, kaya naulit pa. Nabasahan ko pa ng mga chat na pagkatapos nun, nanghihingi pa ng pera ang babae at nanakot na buntis daw siya. Parang nambubudol lang. Tinakot ko ang babae na papatanggalin ko siya sa work pag di tumigil ang pagka-hibang niya. So far, tumigil na at hindi pa daw pumapasok. Kinausap ko ang boss niya at sinabi kong pag di natanggal ang babae, ang partner ko ang magreresign. Nagalit ako ng sobra at lahat ng masasakit na bagay sinabi ko sa partner ko. Tinanong ko siya kung bakit niya ginawa kahit alam naman niyang hindi ako okay ng ilang buwan. Sabi ko yun ang challenge sa kanya noong mga panahong iyon kung makakapag-control siya, pero hindi niya nakayanan. Ngayon, nahihirapan ako. Na-dishonored na ako ng ex ko dati, pero iba na ngayon kasi may mga bata na kaming kasama kaya mas mahirap at mas masakit sa akin, at doble ang trauma. Sobrang pinagsisisihan daw niya at sinasabi niyang dapat nagtiis pa siya hanggang umokay ako. Babawi daw siya at magbabago na, at hindi na niya hahayaang maulit pa. Gusto ko sanang lumayas at bitbitin ang mga anak ko at huwag na magpakita sa kanya, pero mahirap dahil wala akong ibang matutuluyan. Gusto kong magpatawad kasi ako ang nahihirapan, pero sobrang unfair at parang kinawawa ko na ang sarili ko. Bakit kailangan pang mangyari ito bago niya marealize ang kanyang mga pagkukulang? Ang hirap humiwalay kasi mula nang magka-anak kami, kami na lang ang umaasa sa lahat, wala akong sariling pera. Kaya awang-awa ako sa sarili ko na hindi makaalis at nilulunok ang pride para sa mga bata. 😢 Una niyang ginawa ay tinawagan niya ang mama ko at nag-confess siya doon, inamin din niya sa mama niya. Nag-worry daw siya na baka mag-panic attack ako, kaya nung araw na nag-confess siya, pinapunta niya ang mama ko para kahit papaano may mother figure ako na mag-aalaga just in case. Pumunta rin siya sa tita niya na katabi lang ng bahay namin at nag-confess sa nagawa niya habang kausap ko ang mama ko. Thank God, hindi ako nag-panic attack. Pinagsasampal ko lang siya at nag-iiyak. Sobrang unfair. Nagpaka-nanay lang naman ako habang sinusuportahan siya sa career niya para makapag-provide siya ng maayos sa amin. Hindi ko alam kung paano ko siya mapapatawad at paano pa ako magtitiwala. 😢 #advice #helpandrespect