need advice
hi mommies, i have a home based job but i can say that it's not reliable because of some issues. alam nyo na, kapag homebased, nagakakaproblema din or minsan down ang site. anyway, my hubby is a supervisor but ako yung klase na hindi mabubuhay ng walang sariling perang nadudukot. nadedepress ako kapag ganun, kapag wala akong sweldo or income. my hubby would always tell me na focus na lang muna daw ako sa pag aalaga sa kids, however, i can't stand having no income at all. nakakastress na iniisip ko na lang palagi na dapat may pera ako, may magagastos ako kapag may gusto ako or may gusto akong bilhin for the kids. ayoko kaseng umaasa sa kanya. ano bang dapat?