Obligation or Kusa?
Hello mommies. Hindi po ba obligation ng father ng baby na kamustahin ang anak niya araw araw? Sobrang gulong gulo na po kasi ako kasi sabi ng partner ko kusa daw niya yun ginagawa kaya nakakalimutan niya minsan na mangamusta hindi niya daw po obligation yun kasi alam niya naman daw na pagmay masamang nangyare sasabihin ko sakanya. We fought kagabi and decided na maghiwalay. Tama ba decision ko?

I used to tell my partner before din mummy na parang wala kang pakialam or hindi ko talaga feel ang care mo para kay baby inaaway ko sya palagi to the point na nakikipaghiwalay na ako sa kanya pero di nya naman ako pinapatulan o di nya pinapansin yung mga sinasabi ko na mag hiwalay nalang kami naka ilang drama na ako mumsh naka ilang iyak sinasabi ko sa kanya pa feel mo naman kahit kunti na may paki ka sa baby sometimes kasi mumsh hindi natin na nonotice na may paki sila kasi may mga lalaki talagang hndi masyadong ma update like oh kamusta na si baby ok lang ba sya ok lang ba kayo ok ka lang ba ?? minsan nakukulangan pa nga tayo sa attention o pag care na pinapakita nila but it doesn't mean na wala silang paki meron yan mummy siguro tayo sa part natin nakukulangan lang tayo pag usapan nyo ayusin nyo wag nyong idaan sa init ng ulo lahat kasi maayos din yan yung partner ko hindi nga always nag aask if ok lang ba kami pero sinasabi nya naman sakin mag ingat ka lage ingatan mo si baby 7 mnths pregnant palang ako ngayon at hindi din kami nagsasama dalawa sa iisang bahay mas mahirap nga yung situation namin kasi hndi na nga kami nagkikita hindi pa kami pwedeng magkita kasi ayaw ng family ko sa kanya pinagbabawalan ako na makipag kita sa kanya , kaya ikaw mummy wag ka masyado mag isip ng negative unawain mo muna bakit sya ganun bakit ganyan bago ka kayo mag desisyon para kay baby nyo for sure pag nag usap kayo ng maayos ma ffix nyo yan at yang mga issues mo sa partner mo. COMMUNICATE mummy then compromise ❤
Magbasa paObligasyon niyang alamin kung ano man yung kalagayan niyo. Pero dapat tinanong mo muna siya, sa mga times na hindi niya kayo nakakamusta. Baka naman kasi sa kabusyhan niya ganun. Or may kung ano mang rason, make sure valid nga akng yung reasons niya. Lagi lang kayong maguusap po about dun or maging open ka lang sakanya. Kung badtrip ka, wag mo munang kausapin. Antaying mong kumalma ka para di ka magalit ng todo sakanya. Wag ka din pong magdedecide kung nasa peak ka ng emotions mo. Palamig muna before ka magdecide.
Magbasa pamay father po tlga na ganyan. i feel u nung time na pregnant ako nung muntik na akong makunan pero parang walang pake asawa ko. pero wag mo nlng intindihin sis hindi solusyon ang pag hihiwalay, then turuan Mo din anak mo na mahalin ang father nia. may mga anak sa unang asawa ung asawa ko ngaun once a year lang nia nabibisita ung mga bata, and im worried na baka one day ganun din gawin nia sa magiging anak nmin, pero wala akong magagawa ayoko nman hiwalayan asawa ko ng dahil lang sa mga iniisip ko
Magbasa payan din issue ko dati or until now sa partner ko, pero minsan ba naisip natin na baka di lang sila showy? or di lang sila papa salita ng feelings nila? kasi ako lagi ko iniisip ung both sides kahit minsan parang wala na talaga akong maramdaman na care pero meron pala, lagi mo rin isipin ung nararamdaman nya bago ka magdecision. ikaw lang rin mahihirapan.
Magbasa pamag.usap po kayo ng maayos.yung mahinahon kayong dalawa. tukuyin niyo kung anu talaga ang problema.kasi kung pangungumusta lang sa bata, parang masyado mababaw para ikadahilan ng paghihiwalay. kung mag.uusap kayo,hindi yung galit kayo prehas.isaalang alang niyo yung ikabubuti ng bata.hindi lang dahil sa ganung dahilan.
Magbasa paboth obligation and responsibility ng parents yun na icheck yung anak, pro dun po sa part n mkipaghiwalay dahil dun..pg-isipan mo po, bka dala lang ng init ng ulo..madami png mas matinding away ang mg-asawa, nsa inyo po pno un rresolve at malagpasan 😊
obligasyon nya po yun as a father na kamustahin kalagayan ng anak nya. d naman pwede na kng may problema lng sya lilitaw dapat kamustahin nya po or mag spend time sa baby nyu.
Dapat kinakamusta nya po kayo ni baby. Pero wag po kayo makipag hiwalay kawawa naman po yung bata. Napag uusapan naman po yun ng mag asawa
i feel you momshy. 😐 parang kailangan pang ako mag update sakanya palagi. wala manlang syang initiative.
Hindi ba kayo magkasama momsh?
mother of a handsome baby boy ❤