Pinakasalan pero iba ang mahal?

Hi mommies gusto ko lang po ishare and malaman yung thoughts niyo... Yung asawa ko po kasi responsable naman po siya lalo nung nalaman niya na magkakababy kami. Lahat ng kailangan like prenatal vitamins, check ups, cravings and gamit ng bata binigay naman niya. Pinakasalan niya pala ako nung 5 months pregnant na ako. (Almost) Zero po ang sex life namin. Currently 9 months pregnant na po ako. Hindi ko maalala kung kailan kami huling nagsex. May isang beses naman na bigla siyang nawawalan ng gana kahit kakaumpisa pa lang namin so ending wala talagang nagaganap. Isa pang issue ko po ay yung friends nya. Nakikita ko po kasi na mas gusto nila yung ex ng asawa ko kesa sakin. Nabasa ko din convo nila ng asawa ko at parang di niya ako masyado nakkwento sa mga friends nya unlike noong sila pa nung ex nya. May time din na nagselos ako sa ex nya at naikwento ito ng asawa ko sa friends nya. Ang akala po ng friends nya, inaway ko ex nya pero hindi naman... sa nabasa kong convo, parang pinagtatanggol ng asawa ko yung ex nya. Marami din pong bagay na hindi sinasabi ang asawa ko. mag3 months preggy ako noong nalaman ko na may chnchat siyang ibang babae. Wala naman daw malisya yung usapan nila pero sinabihan ko na siya before na layuan niya ung girl kasi pakiramdam ko may gusto sa kanya ito... pero kinakausap pa din nya at siya pa mismo nagiinitiate ng convo... Kailangan ko pa siyang pilitin o kailangan ko pa magstalk at magbigay ng proof para lang umamin siya... Nakikipaghiwalay na po ako noon nalaman ko pero kinausap ako ng nanay ko na bigyan ko siya ng isa pang chance at para na din sa baby namin. Ayaw din pumayag ng asawa ko na makipaghiwalay dahil mahal nya daw ako at ayaw niyang lumaki ang anak namin na may broken family. Pakiramdam ko po kasi mahal pa din niya ex niya o may gusto siyang iba... at nagsstay lang siya sakin (at pinakasalan niya ako) dahil lang sa magkakababy kami.

10 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Mahirap ang sitwasyon mo, kasi talagang sadyang malikot ang isip natin sa mga ganyan. Praning kumbaga. Una, wag na wag kang magsstay para sa bata. Kasi kahit magstay ka, kung di ka naman masaya, hindi din magiging masaya o maganda ang pagsasama niyo at mas lalong kawawa ang bata. Wag mong intindihin ang friends niya, wag mong intindihin, hindi naman sila ang pinakasalan mo. Nakakalungkot lang din, kasi hindi ka nila nirerespeto bilang babae at asawa ng kaibigan nila. Try mo bawasan ang pagsstalk, kasi hindi healthy para sayo, lagi kang naghahanap ng bagay na ikasasakit din ng damdamin mo kung ganun din lang. Kung gusto mo magstay, magtiis, bigyan ng chance ang asawa mo, ipakita mo o iparamdam mo ito sa kanya, kalimutan ang nakaraan at magsimulang muli. Magfocus ka sa family niyo. Sayang ang energy mo kakaisip sa EX niya. Basta magkaroon lang kayo ng pag-uusap na malinaw ng asawa mo tungkol sa bagay na yan. Maging handa ka sa mga maaari pang mangyari sa future. Maging wais, taas noo lang. Kumbaga, "kung ayaw mo sakin di wag". Yung ganun. Wag mo pag-aksayahan ng panahon ang kaiisip sa kanila ng ex niya at mga kaibigan niyang masama ugali. Wag mo silang tularan. The more na nakikita ka nilang affected, the more na napag-uusapan at nabubuhay ang issue / nakaraan. Move on na. Smile 👍 Pray para sa guidance ni Lord.

Magbasa pa