Possible 2nd baby
Hi mommies, gusto ko lang maglabas ng nararamdaman ko. I’m currently 6 days delayed na and kakasubok ko lang mag-PT an hour ago and lo and behold, positive. Pero once pa lang naman ako nag-PT and planning to do more tests pa. Hindi ko maintindihan yung nararamdaman ko. I’m both happy and sad at the same time. Happy kasi if may 2nd baby na, of course its a blessing, pero nalulungkot din ako kasi naiisip ko yung LO ko, I want to spend more time with her pa since working mom ako and hindi ko naman siya totally nakakasama ng mahabang oras in a day. Plan din naman talaga namin sundan si LO pero hindi ko talaga maintindihan lalo at possible na nga na may 2nd baby na. Just thinking of the fact na mas kokonti yung oras ko kay LO if magkakaroon na ng 2nd baby. Any advice mga mommies?