Unexpected pregnancy
Just found out that im pregnant with my 2nd baby. Normal ba makaramdam ng lungkot? 8 mos pa lang 1st baby ko :( Im a working mom. Sobra frustrated ako maging hands on mom kay 1st baby kahit na nagwowork Normal ba malungkot , yung feeling na takot ka na hndi mo mabibigay ng buo na oras at sarili mo kay 1st baby? :( Psensya na, 1st time to post. Gusto ko lang malaman if normal itong nararamdaman ko, dont get me wrong mga mommy Happy ako kay 2nd baby. Promise. Hoping sa advice nyo, and how to overcome yung gantong pakiramdam. Thank you in advanced mga mommy.
![undefined profile icon](https://static.cdntap.com/parenttown-prod/profile_15637872962857.jpg)
Para po sa akin ay normal and valid po ang feelings nyo. Ako, 2y 7 m ang eldest, and currently tested positive sa PT with 1 wk of missed period. Planned pregnancy naman but still, may halong lungkot pa rin para sa sarili ko at para sa panganay ko. Para sa sarili ko kasi ngayon pa nga lng medyo nagiging quite independent si toddler and with it, medyo nare-regain ko na rin ang konting oras sa sarili ko, pero in a few months ay back to zero ulit with a newborn. Nalulungkot para kay panganay dahil kailangan ko na sya iwean dahil baka hindi kayanin ng sanity ko ang tandem breastfeeding. Pero iniisip ko na lng din, with 2 children, rather thinking that my love will be divided into half (50-50), it will actually be multiplied by 2 (100+100)! Sympre need more sacrifices nga lang talaga. Pero "the days are long and the years are short", I assume 10yrs from now baka hindi na ko masyado pansinin ng mga anak ko at ako na ang ma-bored sa kung ano na gagawin ko 😅 So tiis-tiis lang. Also, a friend once told me, "if you're worrying whether or not you're going to be a good mother, that means you already are." ☺️ Kaya let's just keep ourselves healthy, mommy-- physically, mentally, emotionally. You'll do great! Congratulations!
Magbasa pa4 mos going 5 mos palang baby ko nun nung nalaman kong buntis ako at first mixed emotions talaga ako di ko alam dapat ba ako matuwa, malungkot, madismaya, that time din kase nakapasa ako sa isang bpo company which is sabi ko makakapag ipon na ako sa 1st bday ng baby ko until before ako mag start kinabukasan sa work na confirm nga sa utz na 6 weeks preggy na ako at nakitaan pa ng subchrionic hemorrhage like sa 1st baby ko so no choice to have a bed rest na talaga tas ayun hanggang sa dumating yung point na parang bumalik yung depression ko nung after ko manganak pero syempre kailangan tatagan ang loob kahit sobrang hirap na palaki ng palaki ang baby ko palaki rin ng tyan ko. Imagine nalang yung dobleng bigat pag buhat mo sa LO mo dba tas may baby pa sa tyan. Sobrang hirap pero dapat kayanin. May purpose si god kaya nasundan agad sila kaya mi pakatatag ka kaya natin to😊
Magbasa papara saken natural lang naman na makaramdam ka ng ganiyan lalo pa ngayong 8months palang si 1st baby pero wag ka ng malungkot wag kang mangamba na baka dimo maibigay yung atensyon mo kay 1st baby may oras pa may 9months kapa para iparamdam sa kaniya lahat lahat yon wag kana muna ding mag trabaho lalo na ngayon na mag kaka2nd baby kana para may oras din kayong makapag bonding ni 1st baby wag mo ng masyadong isipin yun,kumalma kana wag mag papakastress ang buntis nakakasama yon.lilipas din yan at sigurado akong mali lahat yung iniisip mo sa ngayon mga babae tayo,alam natin lahat nakakaya mo ngang pag sabayin ang pag tatrabaho at pag aalaga sa baby mo paano pa yung mag bibigay ka ng atensyon sa kanilang dalawa kayang kaya mo yan,tsaka mo lang maiisip na kaya mo na kapag nandun kana sa mismong sitwasyon.♥️
Magbasa paIt’s okay to feel that way mommy. Been there, I gave birth 2013 and 2014 and I also suffered from post partum depression on my 2nd pregnancy. My reason is like yours, what if I cannot provide? What if my 1st born will feel unloved and unattended to? Madaming what ifs, but you have to have strong foundation, like your husband and family. You cannot do it all alone, you need to have someone you can help you in wvwey milestones you have with you baby and pregnancy. It will not be easy but it will be worth it. Pray and always asks for God’s guidance and help.
Magbasa padans ko yan sis nung nanganak ako nagttampo panganay ko 2yrs old palang kaya ginwa ko pg tulog si baby sya naman inasikso ko ayoko maramdaman nya na hindi n sya pinapansin at now naman 5months na baby ko super happy na sya lagi nya tinatanong kung kelan maglalakad si baby pag busy ako nilalaro nya kapatid nya para di umiyak grabe saya nya wala kasi sya nakkalaro dito kasi ayaw ko sya paglaruin sa labas sa kbang bata ang bilis nya matuto konting badwords napipickup nya agad
Magbasa paIt's normal naman po siguro. tsaka expected naman na rin po siguro na pwede kang mabuntis lalo na kung wala kang ginagamit na family planning. Try mo nalang sigurong itutok ang oras mo sa first born mo habang nag bubuntis ka. Pati pag bagong anak ka kasi diba sa mga unang buwan ng baby, tulog pa yan ng tulog hanggat kaya give time para kay first born. Kaya mo yan mi, pero wag mo kakalimutan mag rest din. Mahirap mag alaga ng dalawang anak pero masaya.
Magbasa paHello. Not yet pregnant, pero planning. 2y5m na first born ko, pero iniisip ko pa lang minsan, nalulungkot na ako. Hindi lang para sa first born pero para sa second din. Like, hindi ko na maaalagaan si first tulad ng magisa siya. At nalulungkot din dahil baka hindi ako magiging fair. Dahil hindi ko maibibigay kay second yung buong attention na naibigay ko kay first. So for me valid naman yung feelings mo, unexpected man or planned.
Magbasa paganyang ganyan din ako mhie 12 years ago habang yung ex-jowa ko nambababae at walang pake. Irish twins yung mga anak ko, meaning wala pang isang taon na pagitan yung mga birthday nila. kung may umaalalay naman sayo na pamilya mo, kakayanin naman. kung hindi ikaw ang breadwinner, wag ka na muna magwork.. buhos mo oras at atensyon mo sa anak mo tsaka sa sarili mo para sa new baby.. meron ka pang 9 months bago mahati atensyon sa panganay mo. goodluck mhie!
Magbasa paCurrently pregnant with twins. Mag 4 y/o first born ko. Di naman nahihiwalay sakin pero namimiss ko siya, di ko magawang magala sa labas or makalaro ng matagal dahil hirap ako sa pregnancy ko ngayon at twins. Yung dating ginagawa namin or pag aasikaso ko sa kanya, di ko na mabigay lahat lalo na ngayong nasa 8th month na ako and malapit na manganak. Valid sis. Kaka excite din kasi magkakaron na siya ng makakasama at makakalaro.
Magbasa paSame feeling mi, iyak nga ako ng iyak kasi 3 months pa lang baby ko nung nabuntis sa 2nd baby namin😔 dapat may supportive kang husband at family mi para hindi kana malungkot😊 kaya mo yan mi💪🏼 btw, nanganak na pala ako, medyo mahirap kasi 10 months pa lang si panganay hehe baby pa rin kailangan pang alagaan pero nakakaraos naman po dahil full support naman hubby at family namin❤️❤️
Magbasa pa