Aciete de manzanilla

Hi mommies, ginagamitan nyo ba nang aciete de manzanilla ung baby nyo?

36 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

ako gumagamit ako, sa tyan ko lang nilalagyan pag hapon mga 6pm, para iwas kabag, lalo pag alam ko na kakabagin sya kasi labas pasok kami sa kwarto, bukas ac sa kwarto tas init sa labas,. pero pag nasa loob lang kami di ko na sya nilalagyan,. sa tyan lang po ang lagay at talampakan,. tas konting massage,. di po advisable na gamitan before maligo ang baby, after maligo pede pa,. kahit baby oil, after maligo po kayo mag lagay, wag bago paliguan,. sabi lang ng pedia😁 me point naman explanation nya kaya agree ako✌️

Magbasa pa

new studies po not advisable na ang Manzanilla.. kaya di na namin tinry gumamit.. kung magka Colic si baby.. I Love you massage nalang or Bicycle Exercise kay baby.. if kabagin talaga ang baby kung formula fed palitan ang feeding bottles ng Anti colic bottles like avent or if BF baby bawasan ng mommy ang pagkain ng mga nakakapag pa kabag like lettuce cabbage at dairy products.

Magbasa pa

Doctors advise against using it as kabag treatment for babies, especially newborns. Babies are very sensitive so as much as possible, I don't advise using it because the baby might get an allergic reaction. It may be a local allergic reaction or something worse, it's a case-to-case basis. So to be safe, don't apply especially if your baby is still young.

Magbasa pa

Sabi sken ni Dr. Pedia Mom bawal Po talaga Ang Manzanilla at baby oil Po pero Sabi naman Niya if nakasanayan na gamitin pwede naman Basta wag lagyan pag masyadong mainit Ang panahon o kaya siguraduhin na punasan si baby , shower o paliguan Ng maayos kinabukasan .

ILU massage (warm hands), bicycle, knees to chest po ginagawa ko to ease kabag. pag malala daw po gas sabi ng pedia, warm towel sa tummy ni baby. pinagbawal ang manzanilla dahil sa risk na baka masunog balat ni baby kasi sensitive pa esp newborn

Hi.. d na dw po advisable na gamitin yan kay baby per pedia.. sobrang sensitive pa ng skin nila.. better use po ng natural essential oils for colic like ung sa Tiny Buds Calm Tummies.. see photo. you can buy this sa Robinsons Department Store, Shopee and Lazada.

Post reply image

no po, mas safe yung sa tiny budas calm tummies. may nagupload ng picture ng baby niya sa isang fb group kasi nagkaroon ng allergic reaction yung baby niya sa Manzanilla, grabe kakaawa parang may first degree burns tiyan ni baby niya.

TapFluencer

Pwede naman po basta wag malapit sa part ng face, kung tummy or paa pwede po then pag mag babath na sya make sure na maayos ang pagkakasabon po para maalis yung mga natirang oil sa katawan nya.

No. Mag 11 months na si baby and never siya ginamitan ng manzanilla kasi big NO kay pedia.

hndi naniniwala si pedia. pero ginamit ko pa rin sabi ng nanay ko. effective nman. gang ngayon gamit ko 2yrs old na anak ko.