How you handle this Situation

Hi mommies FTM here Im 4 months preggy And medyo malaki ako magbuntis dahil medyo chubby ako. Yung partner ko kasi everytime na mapag uusapan namin yung mga pagbabago sa katawan ko Hindi maiwasan na kinukumpara nya ko sa iba na bakit daw si ano maliit nag buntis tapos ako daw parang 9months na. Dahil din siguro sa hormones kaya madali akong mapikon and i get emotional sa mga sinasabi at pangungumpara nya sa katawan ko sa ibang preggy. Kahit ako hirap tanggapin yung mga pagbabago sa katawan ko at lalo akong na da down dahil sa partner ko. Can i ask pano nyo na handle yung gantong situation? please respect๐Ÿ’—

22 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hello mommy. I really understand your situation. Ang hirap na nga nung ikaw naninibago pa sa changes tapos gagatungan pa ng negative ng hubby. In my case my hubby was super supportive. Ako yung naiiyak dahil sa stretchmarks, but my hubby kept on telling me to love the marks kasi they will be part of me na and isang proof yun na I carried our baby. Sabi niya ganun naman talaga and let it be. What I learned from him is to love myself more. Iprioritize mo ang sarili mo dahil kung happy ka sa sarili mo ay magrereflect yan sa iba, at mafifeel yan ng baby mo. Hindi talaga madali makita sarili ko na nagbabago nung buntis ako. Iniiyakan yung stretchmarks ko kasi ang iitim. Malaki din ang tummy ko noon, pero lagi lang sinasabi ng asawa ko na both kami malaking bulas so saan kukuha ng genes na maliit si baby. What matters is kung healthy ba kayo. Always put in mind na kailangan happy hormones dahil mafifeel yan ni baby. Also, talk to your hubby. Explain mo na every pregnancy is different. As long as sabi ng OB na ok kayo ni baby ay good ka. Pero post pregnancy dito ako bumawi. I made sure na I will still look good katulad nung dalaga ako. Inaayos ko pa rin sarili ko paunti unti dahil ayoko malimutan mahalin ang sarili ko kahit hands on mom ako. Ang gusto ko kasi, nagrereflect sa iba na I love myself para hindi ako icompare sa iba.

Magbasa pa