Brownish discharge, please enlighten me po πŸ₯Ί

Hello Mommies, first time mom po ako & last Saturday lang namin nalaman through PT. Kanina po yung first checkup ko. 5weeks 1day napo si baby, pero sabi ni Doc 3weeks old palang daw if from conception kaya too early pa daw po to detect sa ultrasound. Niresetahan ako ng pampakapit & folic para support sa pagbuo kay baby. Kagabi, yung discharge ko ay brownish color pero onti pa. Yung parang pag maguumpisa palang yung mens, or pag patapos na or pahabol. Ngayon po mejo mas dumadami. Normal lang po ba un? Bleeding na po bang maituturing yun? πŸ₯Ί Sa totoo lang diko alam kung aasa paba ako, sobrang nakakalungkot at ang sakit na agad para sakin. May mga nakaranas po ba ng ganito pero nabuo naman si baby at naging okay ang lahat? Wala po sana muna magcocomment ng hindi happy ang ending skanila. Alam ko naman po na may possibility na hindi mabuo. Pero sa ngayon gusto ko lang po makabasa ng mga positive para malaman ko gano kadami ang naging happy ending at para di ako mawalan ng pagasa πŸ™πŸ»πŸ™πŸ» salamat po! #bleeding #pampakapit #pregnancy

Brownish discharge, please enlighten me po πŸ₯Ί
27 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

ako na lumalaban din ngayon. Kanina lang nagpa transv agad agad ako kasi may brown discharge ako. Im 10 weeks and 4 days. sobrang selan ko kahit sa unang baby ko nakunan ako dahil sa bleeding din. kaya may trauma ako now. bago ako ma transv inaatake na ko ng anxiety ko at nagpapanic. hirap na akong makahinga sa sobrang kaba kasi iniisip ko baka nawalan na naman ng heartbeat si baby pero sa awa ni Lord ok sya. and malikot pa. yun nga lang may internal bleeding ako. sa 1 mos kong umiinom ng duphaston kagabi ko lang kinaligtaan bigla agad agad ako nagbleeding kaya di ko na talaga uulitin mag skip ng pampakapit. nangangayayat na ko sa sobrang grabeng paglilihi pero lumalaban ma save lang talaga kami ni baby. kaya hiling ko kay God kahit biyayaan nya lang ako ng isang malusog na baby ayos na.

Magbasa pa