Maraming factors bakit nagkakaron ng birth defects... bukod sa genes, pwede din halimbawa nakainom ng bawal sa buntis na mga gamot o kaya exposed sa mga chemicals, radiation, pwede din sa paninigarilyo at alak o di kaya naman ay may kakulangan sa nutrisyon ng nanay o di kaya may sakit si mommy na pwede magkaron ng komplikasyon sa pagbubuntis atbp.. ang mga Prenatal vitamins ay importanteng mainom ng Isang nanay na nagbubuntis dahil eto ay tulong para mas mabigyan natin ng sapat na nutrients ang ating growing babies. di natin alam baka mamaya kulang pala ang nutrients na nakukuha natin sa pagkain.. kahit paano magiging sapat kung may tinitake tayong vitamins.. kung gusto mo matiyak na ok lahat si baby mas mainam na mag pa CAS ka at ngayon palang nabigyan ka na reseta for prenatal vitamins magtake ka na agad at mag pray🙏❤️ Godbless
Hello. Kwentuhan na lang kita. Nung first check-up ko, 4 weeks, pinagtake agad ko ni OB ng Folic Acid, kasi importante daw yun. Nung 2nd trimester, chineck niya development ng baby sa ultrasound. Chineck niya yung spine at face. Pinatingin niya ako sa monitor sabay sabi, dahil daw nagti-take ako ng folic acid maganda raw development ng likod ni baby, walang mga bukol-bukol sa likod unlike sa iba at sa face niya walang bingot. Kung nalaman mo through PT na buntis ka magpacheck-up ka na agad at itanong mo sa OB kung okay lang ba baby mo at ano mga gagawin iinumin. Kung nakapagpa-check-up ka na at sinabi ng Dr na okay lang development ng baby mo at nabigyan ka na ng vitamins, wag ka na mag worry.
I think madami pong factors ang pagkakaron ng birth defect. Ang importante po now na nalaman nyo na na buntis kayo, take all the necessary vitamins na po, eat healthy, iwasan ang mga bawal. Kung regular naman po kayo magpapa ultrasound at kung magpapa CAS din po kayo malalaman nyo po ang condition ni baby sa loob. Better po na positive mindset na lang para po di kayo ma-stress ☺️
ako po nalaman ko na preggy ako 21 weeks na. basta pag nagpacheck up ka tas niresetahan ka ni ob ng mga need mo i-take, i-take mo na agad kasi ilang months din tayong walang nainom na vitamins. pwede rin po kayo magpa-cas para mapanatag ang loob nyo. stay healthy mamsh 🫶🏻
كين إد ماتيلدا