First Time Mom

Hello mommies. First time mom ako 39 weeks and 5 days. Due ko na sa sabado. Nung Tuesday kasi na IE ako sa lying in, 4cm daw tapos kaninang umaga balik ako sa lying in para sa check up at na IE ulit ako, iba nag IE sakin ngayon kesa nung nakaraan, sabi nya 2-3cm palang daw kaya balik nalang daw ako bukas. Nagpaultrasound ako sa OB para macheck ko lagay ni baby sa loob or kung okay pa tubig ko. Sabi nung dra konti nalang tubig ko kaya dapat mainduce na ko dahil baka maubusan ako ng tubig plus 3.5 kilograms na si baby dapat daw malabas ko na sya. After ng ultrasound bumalik ako sa lying in kasi ganun sinabi ng ob na nag ultrasound. Sabi naman sa lying in inom lang ako tubig tapos balik ako pag humilab. Ngayon po naglelabor na ko, ang sakit sakit na nya pero 2-3cm pa din tapos may lumabas sakin na jelly na may dugo. Mula din nitong mag 39 weeks ako bigla nanakit pwet ko, nagkaron ako almoranas kahit di naman ako mahilig sa maanghang at di naman ako hirap dumumi. Di ko alam ano gagawin ko mommies. Need ko ba magpaCS nalang kasi konti nalang tubig ko tapos nag aalala pa ko sa almoranas ko baka pag umire ako lumabas na laman ko sa pwet. May nakaranas ba ng gaya sakin pero nainormal? Di ko alam ano gagawin ko e. Thank you po.

2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

hello mommy pray lang po kayo na sana makaraos na since may mga signs na po na manganganak na kayo .. pa read nalang po ng article para sa kasagutan tungkol sa almoranas nyo. https://ph.theasianparent.com/study-85-ng-mga-buntis-ay-nagkakaroon-ng-almoranas