Carpal Tunnel Syndrome
Hi mommies, do any of you experienced pamamanhid ng mga kamay na parang may tumutusok? Ilang weeks/months preggy kayo nung nagstart sya lumabas at kailan nawala? Anu remedy nyo or gamot para don?
Di ko sure kung carpal tunnel syndrome nararamdaman ko ngayon nag search kasi ako 😔 every morning paggising ko sobrang sakit ng kamay ko yung daliri ko di ko maitupi di ko kaya mag grip sobrang sakit parang pilay lahat ng daliri ko. Pinipilit ko iexercise yung daliri ko pero di kaya sobrang sakit. Naglelessen naman ang sakit sa buong araw pero di pa din talaga nawawala. Currently 8months pregnant/34wks5days. P
Magbasa paNaramdaman ko yan 3rd trimester 37wks. Na ko pregnant ngayon ramdam ko pa din mas masakit pag gising ko sa umaga maghapon na yun nababawasan lang ang sakit kapag gumagawa ako gawain bahay pero nandun pa din ang sakit kahit uminom ako ng b complex hindi naman nawawala may time na hindi ko ma maclose yun 2 kamay ko sa sakit..
Magbasa paGanyan po c wifey ko nung 4months xa.. nagsimula sa kamay akala nmin carpa tunnel syndrome.. mababa na pla potassium na nauwi aa hypokalemia.. naconfine xa 3days.. hirap tumayo prang stroke.. eat lng po ng saging lakatan.. 2x a day pra maiwasan po pagbaba ng potassium and iwas aa pasta..
7 mos nung nakaramdam ako na parang may pilay yung kamay ko. Until now na 34 weeks na ko. Nakalimutan ko itanong si ob pero ayon sa niresearch ko, carpal tunnel syndrome to. Verify ko pa din kay ob next check up ko. Exercise lang ng konti saka pinapamassage ko ng mild lang sa lip ko.
My, try mo cold compress nakaka relax sa kamay yan kasi ginagawa ko may ganyan din ako now. I'm on my 32weeks and 5days. Every morning ang sakit talaga ng kamay ko kahit yung kutsara at tinidor di ako makahawak kaya ginawa ko nag cocold compress ako. Nakakarelax sya my.😊
Yes 7 months momshie naramdaman ko yun tas may binigay na gamot yung ob ko neurobion nababawasan yung sakit tinigil ko yung neurobion dahil malapit na ako manganak pag ka panganak ko via cs meron pa din hanggang ngayon 1 1/2 months na ang baby ko mas lalo sumakit
Ako 5 months na nung nagstart. Naresetahan ako ng B-complex. Kaso walang effect kaya di ko na tinuloy. Pansamantalang remedy ko pag tinutubog ko sa mejo mainit na tubig or sa yelo ang kamay ko..mawawala saglit..tuluyan syang nawala nung naglelabor na ako
Sakin momsh 5 months at nawala lng sya a week after ko manganak..nresitahan ako ng ob ko ng calcium magnesium medyo nbawasan nman yung pamamanhid...may mga nights nung pregnancy ko n naiiyak tlg ako sa sobrang pmamanhid..kya mo yan mommy pra kay baby😊
7 months aq nung nag start ako magkaron ng CTS sobramg hirap kc 8months palang ako ngayon. Matagal tagal ko pa ito iindahin. Ung tipong sobrang ngalay ng kamay tapos namamanhid. Bili po kau supporter sa kamay medyo hindi sya masakit kapag suot ko po un.
Dito ako pinakahirap momsh ang sakit lalo pag galing ka sa tulog parang pilay ang kamay kahit cp hirap hawakan 😭 Nagstart ko maexperience to 33weeks and 35weeks na ngayon. Sabi ng kaworkmate ko yung ganto daw nya nawala 3monts after nya manganak
DentistbyDayBoxerbyNight