anterior placenta
mommies my effect ba yang position ng placenta sa pgdeliver sa baby?

Anterior po meaning nasa bandang harap ng cervix mo yung placenta mo. Posterior if nasa likod. Sa panganganak, ang alam ko wala namang problema yan kasi ang crucial naman is kung suhi or not si baby. Ang sabe nila na difficulty sa anterior is yung movement ni baby, hindi magiging ganun ka-prominent. Anterior si 1st baby ko pero nalabas ko naman sya nang normal. Consult mo rin po sa OB mo para ma-explain nang mas detailed po sa inyo. Ang alam ko pong may complications sa panganganak is yung may placenta previa, which is a different case din kase yun naman eh nakaharang yung placenta sa cervix ng mommy. Pero if anterior or posterior, ang impact lang nun saan nakaharap si baby.
Magbasa pa
my little sudanese