Feeling emotional

Hi Mommies! Di ko alam pero nalulungkot ako. Lalo pag magkaaway kami ng mister ko. Meron kami baby isa 10 months. Di niya kasi ako naiintindihan or iniintindi. Naiinis ako sa kanya kasi lahat ng sinasabi ko na para sa kanya naman at sa family namin binabara niya. Saka wala kasi siya diskarte. Nag wowork naman siya, walang bisyo at hindi nambabae. Ang akin lang ang ugali naman niya. Lagi siya mataas ang boses kaya lalo kami nagaaway kasi di ako papatalo. Ldr kami diti kami nueva ecija at cavite siya magisa. Maliit na bagay pinagaawayan namin. Kahit signal lang, ikaw ba naman momsh, nagaalala na nga ako sa knya at masama pakiramdam niya di siya nakapasok. Since sinagot na niyabtawag ko at boses niya ok na siya masigla na. Ni hindi man lang maghanap ng signal para makausap ako kasi choppy siya. Hays diba wala diskarte. Kaya nalulungkot ako na nagsisisi kung bakit siya pa pinakasalan ko bakit pa ako nagpabuntis sa kanya eh di sana di ako nagsusuffer ng ganito. Tapos nakikita ko ex ko sa social media ang happy happy nila. Dont get me wrong mommy, happy ako kasi ang ganda ng baby ko. Pero mas happy sana kung okay kami ng husband ko. Yung kahit malayo, masaya. Saka feeling ko wala ng love sakin magasawa natabunan na ng inis galit. Bakit ganito momsh? Ano po ba dapat ko gawin sa mister ko? No hates, just love momsh. Part siguro to ng postpartum. Ang lungkot lungkot parang gusto ko mamatay pag naiisip ko na di ako kaya sundin ng asawa ko. 😭

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Feeling ko part to ng post partum mo momsh. May mga hinahanap ka ke mister di di nya magawa. Mas pinapaghanapan mo sya ngayon kaya madalas kayo mag away. Tapos nacocompare mo pa siguro sa ex mo na baka si ex kase mas maeffort mas madiskarte.. mas sweet.. Una dyan, remove mo na si ex sa friend list mo kase baka isa pa yan sa pagmulan ng pag-aaway nyong mag asawa. Wag mo na sya istalk. Focus on your own family. Second, try to see yung mga good sides naman ni hubby. Gaya nga ng sabe mo.. nagwowork sya, walang bisyo at di nambababae. Bihira na lang yung ganyang lalaki ngayon momsh. Baka iba lang sya ng love language o yung kung papano nya ineexpress yung love nya for you. Third, try to work on your marriage. Kame ni hubby forever ldr na ata.. pero, we make sure na updated kame lagi. Tell him what you want, what will make you happy. Ganun din sya. Ask him what he wants or what makes him happy. Iba iba tayong mga tao kase ng personalities.. at since you’re married.. you both have to make it work. And always pray. Pray for guidance.

Magbasa pa