49 Replies

hello mga mamsh, kami naman co-sleeping din. 1 month and 2weeks na yung baby namin. yung asawa ko malikot matulog ako naman halos isang position lang yung nakaharap sa kanya tapos nagigising ako kahit unting kaluskos lang or pag nag galaw sya nagigising ako and may boundaries kami may higaan sya na memory foam so kaya may boundaries din. kada iyak nya talagang pinapadede ko or change diaper.

Against ako dati sa co-sleeping literal na pinush ko ang pagtulog niya sa crib for the first month pero ako lang din ang kawawa kakatayo at kakaiyak niya. We tried co-sleeping and sidelying breastfeeding nakakatulog na kami pareho ni baby 😂 No instance pa naman na nadaganan ko siya. Though si hubby 3x na, ako lagi ang nagigising para tapikin siya.

hello mi! for me mas gusto ko na tabi ko si baby while matutulog so agree ako sa co-sleeping. ito po ay base lang sa aking experience na hanggang ngayon ay co-sleep pa din ako kay baby. mas pabor po kasi sakin na ganyan ang setup namin ni baby kasi breastfeeding mom ako. it's up to you pa rin po if ano po yung mas okay at mas komportable kayo ☺️

May 12 days old baby ako now, pagkalabas namin sa hospital, nasa bassinet sya natutulog. Since ebf ako, lagi akong puyat kasi every hour nagigising si babay kapag gabi. Now, nung nag cosleeping kami and nasa gitna namin sya ni LIP, di naman sya nadadag-anan. Pro ng cosleeping is hindi na ako puyat kasi masarap tulog nya sa tabi ko.

Wow congratulations on the baby! Yes, whichever works for you is the best one :) we did co-sleeping too and it helped us sleep longer both me and baby

Co sleeping kami ng baby ko, simula ng maging mother na ako, ang babaw na ng tulog ko konting kaluskus lang nagigising na ako sabay tingin agad kay baby. Hanggang ngayon na 1year old na anak ko pag nagigising ako hanap agad ako sa kanya kasi malikot na matulog. Kaya pag nanay na wala na talagang dirediretsong tulog.

Sa case ko, sa crib namin pinapatulog si baby since newborn siya. 2 months na siya ngayon and so far so good. Sinasanay namin na nakahiwalay na matulog as early as now. Hindi kasi ako palagay na matulog siya na katabi naming 2 adults. Lagi din naman ako nagigising para padedein siya so mas panatag ako na nasa crib siya.

How do you do it? How do you help/train baby sleep by themselves? I'm so happy for you that you were able to train baby to sleep on their own bed. Sana all!

so far 6 months na kameng co-sleeping ng baby ko , tsaka life saver para saken kase nakaka kumpleto ako ng tulog, unlike nung 1st month namen na nasa higaan lang niya siya, jusko 1 month na laging puyatan talaga kase lagi nagigising, nung nag co-sleeping kame haba na ng tulog ng LO ko syempre pati ako hahaha.

in my case naman mii, patutulugin ko muna sya sa tabi ko ng mga 3hours tapos pag mahimbing na tulog nya, ililipat ko sa crib nya na nasa tabi ko lang din. kaya ko sya nililipat sa crib dahil grabe sumakit likod ko(cs mom), pag medyo okay na yung likod ko at naghahanap na sya ng dede, ibabalik ko na sya sa tabi ko.

Wow thanks for sharing! Relate ako kasi ganito din ang situation namin dati. We started doing the sleep beside us first and then put baby on the crib kapag malalim na tulog niya. pero hirap kami pag gumigising sya. Kaya tinabi na lang namin samin.

sakin mhie co sleeping eversince newborn anak ko hanggang ngayong 9y/o na siya. prefer ko kasi na mgkatabi kami para my bonding kami hanggang pgtulog. si hubby nasa separate room lng. but now, 2nd pregnancy ko, 3 na kmi mgkatabi, nasa gitna nila akong dalawa. maingat lng ako sa tyan ko na hindi nila masagi.

wow yes to bonding! Thank you for sharing!

Agree! co-sleeping din kami. Bumili kami dati crib para may sariling bed si baby, ang ending niyannapagod kami kakabangon sa gabi twing umiiyak sya. now na katabi namin siya, all of us are getting longer sleep. Even si baby humahaba ang tulog. it really works for us. need lang mag ingat.

Thank you for sharing! We appreciate this :)

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles