Sched for induce
Hi mommies! cnu ba naka experience for induce na since sarado parin ang cervix? Normal delivery ba kayo or na cs? I'm scheduled to be admitted this monday na huhu
3cm dilated. Pumutok ang panubigan pero walang contractions. Nilagay ng medications para ma-induce, pero ayaw mag-open ng cervix. Napakabagal. Halos 1/2cm lang nadadagdag per hour. Nag-labor from 4pm-12am. Pinaire ng stand-by ob kahit 4cm lang. (Mali pala yun sabi ng OB ko mismo.) (Feeling ko tuloy sinadya nung stand-by ob para ma-CS ako, laki ng bayad sa kanila kumpara sa OB ko talaga.) Pagdating ng 12am, 10cm na pero pagod na pagod na ako. Hinihika, nahihilo, nilalagnat at nagsusuka. Ending - CS. Last week lang nangyari mi kaya fresh pa sa memory ko yung dinanas ko. Payo ko lang sa'yo. Mas masakit yung na-induce kaysa sa normal na bumukas ang cervix mo kaya kung di mo kayang tiisin, huwag mahiyang humingi ng epidural kung afford naman. Kung kaya mong tiisin, hinga lang. Breathe in sa ilong. Breathe out sa bibig. PERO huwag na huwag kang papayag na umire ng mababa pa ang cm ng cervix mo. Wait mo mag-8 to 10cm. Masasayang lang ang pagod mo. Ma-CS ka pa sa dulo. First time mom kasi ako, at walang nagsabi sa akin beforehand. Na-double ang pagod at gastos ko dahil sinunod ko yung stand-by ob kahit nakikita ko na wala siyang pakialam sa akin. (Bukod sa pinaire niya ako ng 4cm ako, wala siyang pakialam sa sinasabi ko. Sinabi kong may hika ako, nilagyan ako ng oxygen hose pero wala namang lumabas na hangin. Sinabi kong nilalamig ako, kasi may lagnat na pala ako, ni hindi ako binigyan ng kumot. Sinabi kong nahihilo at nasusuka ako, pinahawak sa akin yung plastic na susukahan ko - nalaglag tuloy at naglinis sila ng mas marami kasi nga hilo na ko at mahina na tapos sa akin pa pinahawak. Sinisisi niya ako kapag hindi ako nalalagyan agad ng bagong dose ng epidural, samantalang nagsasabi na ako na masakit at di ko na kaya - kala mo naman wala akong pambayad.) Kaya mo yan. Basta listen to your body. I-insist mo sa mga nurses and stand-by ob kung ano yung nararamdaman mo para pakinggan ka nila. Better yet, coordinate early sa actual OB mo para maaga siyang makarating sa hospital.
Magbasa paNa induce po ako. Stock 1to2cm lang tapos nag trigger labor ko, napulupot pusod ni baby at nakakain na sya ng dumi Kaya na CS. Payo ko relax ka lang mi Para hindi ma trigger labor mo.
Magbasa pa
Excited to become a mum