āœ•

My baby girl is with papa God

Hello mommies... It's been a while since my last activity sa Asian Parent app. Gusto ko lang ishare yung nangyari sakin habang wala ako sa app na 'to. I gave birth last March 5 2021.. Prior to this, schedule ko ng check up sa isa pang oby last March 1 2021.. Pero duon namin nalaman ng asawa ko na wala ng heartbeat si baby... šŸ˜¢Ang dapat sana na check up nauwi sa pinakamasakit na pangyayari sa buhay namin mag asawa. Nung nakita ko ang kalagayan ni baby, head, bones, face, hands all seemed to be fine... Until pagdating sa heartbeat I saw flatline na si baby.. Kinakalma ko ang sarili ko nun at pilit na kinokontrol ang emosyon ko dahil mag bebreakdown na sana ako, paglabas namin sa room, nakaupo kami parehas, tahimik akong nakatitig sa kanya at maluha luha na ako.. šŸ˜¢ Nung iniabot na sakin ng sonologist ang results ayaw ko pa sanang buksan pero nakita ko ang anino ng mga numero na 0. Kaya binukas ko na ito pagkasakay namin sa tricycle dun na ako napaiyak ng husto... Wala na nga talaga si baby.. Umuwi kami sa bahay ng luhaan.. Ang dami kong katanungan.. Bakit nangyari ang lahat ng yun... Sinisi ko ang sarili ko sa nangyari samin dahil sa kapabayaan ko.. Hanggang ngayon nasa process pa rin ako ng healing.. Ang hindi ko lang din matanggap ay ang sinabi ng midwife sakin nang ipanganak ko si baby na hindi raw fully developed and skull ni baby... Please, If meron pong marunong na magbasa ng ultrasound or sonologist or oby rito pakitingnan naman po ito. And please tell me if may kakaiba ba talaga... šŸ˜¢šŸ˜¢ #firstbaby #pleasehelp

27 Replies

VIP Member

Condolence mommy. Naalala ko non 4th h. s. ako buntis Mama ko non, kumpleto si Mama vitamins, prutas, gatas at check up mula ng malaman buntis sya. But then on her 9th month bigla na lang di na gumalaw si baby nya malambot ang tyan kinaumagahan pa check up nila kasama ako ayun wala na talaga. Kompleto na sana buo na sabi na overdue daw. As in pagkaramdam nya malambot tyan nya kinaumagahan punta na agad sila hospital pero wala na talaga. Masakit po talaga yan lalo panganay pa, wag nyo po kasisihin sarili nyo walang may gusto ng nangyari baka yun talaga kaloob Nya. Ingat po at pakatatag kayo.

Masakit po talaga.. Mahigit isang taon din kasi kami nag hintay ng asawa ko.. At baby girl pa, yun pa naman hiniling niya nuon.. First apo rin sa family side ko. Salamat po sa inyong lahat.

Condolence mommy, alam ko ga'no kasakit mawalan ng baby at panganay pa. dahil isa din ako sa nawalan ng baby yung panganay ko.. I know how hard it is to accept and move on kasi nga pinangarap mo and inaasam asam mo.. But nothing is impossible with prayers, kasi poh kahit dimo gusto nangyayari pero kelangan untiĀ² mong tanggapin. everything's happen for a reason.. may rason ang Diyos sa lahat ng nangyayari sa buhay natin.. kaya pray and pray mommy, God will send you the best blessing after dat pain..

VIP Member

Condolence po mommy. ako 1st baby ko po nakunan din ako. 7 weeks lng yun pero sobrang iyak ko na nun di ako nka get over agad. kaya ngayon ingat na ingat ako 10 weeks plng ako pero sobrang praning ko na talaga. Ultimo pag lalakad ng malayo di ko na talaga ginagawa. Kaya mo yan mommy. Kaya nga mama tayo kasi kaya natin lampasan lahat ng yan at lahat ng problema na sosolve natin. Be strong po and pray po tayo

Same tayo mamsh, nakunan din ako sa 1st baby ko at 7 weeks. Ngayon 5 months pregnant na ko and super paranoid at maingat. Nakakapraning na minsan šŸ˜‚ Stay safe and healthy sa inyo ni baby ā¤ļø

condolence po... mahirap mawalan aq nga po 6 weeks c baby nun biglang nawala heartbeat nya.. after 3 years of waiting... cnisi q din sarili q nun kc sna mas naging maingat aq at bedrest tlga.. pero iba plan ni GOD .. kahit depressed aq nun pinagkatiwala q p din s kanya lahat... kc may ibang plano Cya .. and now 7 months preggy here still may konting takot p din pero c GOD n bahala..

Mommy, I pray na both of you ay laging safe ni baby. šŸ™šŸ¼ā¤ļø Stay healthy and maging successful ang delivery mo soon.

Sorry for your lost mommy. And sorry to tell po na mahirap mag conclude dto sa app or comment. Although baka yung iba is makapag bigay nga ng comment about sa nangyri , but mas lalo po kayo maguguluhan at mafefeel bad. And yes sana meron dto sa group na ob tlga or sonologist na sila mismo mkpag explain sayo. Anyways momsh always pray everything has a reason.

Hindi ko na po talaga alam mommy ang dahilan at naguguluhan na ako. kung maniniwala ba talaga ako sa midwife o hindi pero sila lang kasi mismo nakakita kay baby pag labas eh.. Hindi ko na pwede makita pa si baby once na nasa recovery room na ko.. Hindi naman ako sinabihan na ganun... šŸ˜¢ Yung family ko lang at asawa ko may nakapa nga sila na kakaiba sa head ni baby.. Pero hindi na nila ginalaw pa dahil nagbabalat na si baby kaya hinayaan nalang..

VIP Member

Hi mamshiešŸ„ŗšŸ„ŗ condolence. Habang binabasa ko post mo naluluha ako ayoko makabasa hanggat maari ng ganito kasi bago din ako nasa 3rd trimester ko 2x na din ako na miscarriage at nawalan ng babyšŸ˜” mahirap i check mamshie pag ganyan lang e wala po ba ung mismo na INTERPRETATION nung utz ušŸ˜” anong UTZ to mamshie CAS po ba ito?

Same po tayo. Twice na. Now, I'm 36 weeks preggy.

ano po interpretation nung ultrasound? sorry mommy sa nangyari, alam namen na napakahirap tanggapin nyan. iiyak mo lang.. nawalan na din ako ng baby, diko na lang din alam pano ako nakarecover, nagising na lang ako isang araw na di nako naiiyak, pero ang pain hanggang ngaun nandito pa din.. iiyak mo lang kay lord šŸ™

pero mamy kahit hindi cas, kung may something sa ulo ni baby kahit papano mapapansin yun sa ultrasound. lalo na kung ob sono ang gumawa.

if im not mistaken po mag 35 weeks na si baby niyo sana almost 1month nalang para mag 9 mos tama po ba? nakaka loka naman na OB yan hindi man lang nadetect nung umpisa palang na di nadevelop ang skull ni baby eh may monthly check up naman di ba niya kaya nakikita ng earlier?

Hindi rin po nila napansin sa ultrasound ko.. Naka 4 na ultrasound pa po ako nun.. Wala rin kasing CAS sa probinsya namin, pero sana nga po kung nadetect ng maaga naagapan sana.. Parang pinabayaan pa nga po ako nun sa totoo lang..

Ilang weeks na po si baby nito mommy? šŸ˜¢ Prior to that po, puro normal naman talaga ang ultrasound kay baby? Tapos bigla lang naging ganyan? Or sinabihan na po ba kayo nung first ultrasound nyo na hindi nadedevelop yung skull ni baby po?

Yes mamsh ako din CAS yung nirequest ng OB ko

wag niyo poh sisisihin sarili niyo po kasi my mga bagay na mhirap explain at dami niyo question bkit ngka ganon.. pero my mas higit na nakaka alam sa lahat ang Diyos..! kaya wag mawalan ng pag asa mommy, lagi lang po dasal...

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles