Feeding refusal
Hello mommies. My baby is 14months old na. Mahina syang dumede nakaka 20oz a day lang sya, Promil currently ang milk nya. Since nb Enfamil sya nag change lang kami nung nag 1 na sya, we tried Enfagrow pero nagtatae sya, Pediasure naman constipated sya. Ok poop nya sa Promil pero pansin ko buwan pa lang nagsasawa na ata sa lasa. Ayaw nya din po mag solids. We tried everything na from reco ng pedia to friends. BLW and traditional feeding, different food and textures. We tried entertaining her during feeding time also. But nothing seemed to work. Kaya sabi ng Pedia hayaan na lang kasi darating din ang time na maghahanap ng pagkain. Wag daw ipressure si baby. She weighs 9.2kg which falls to normal range pa naman daw. Pero hi di talaga sya nag gain, madalas pa mabawasan tapos hanggang jan lang kung madagdagan naman. Parang hindi sya nagugutom. She can go 4-5hrs without milk. May same po ba sa baby ko? Share your experiences naman po so I can know more as a ftm. Thank you! βΊοΈ