218 Replies
OT pa ako non sa work ko, pag uwe exercise lakad dito lakad don para matadtad kasi anytime pwede na kong manganak para madali nalang makalabas si baby. Nung natulog na kami ng husband ko mga bandang 12am di na ko mapakali may masakit sa bandang tiyan ko di ko alam kung saan balakang ba o puson. Normal nalang sakin yung kasi ganon naman yung laging nangyayari pero iba na pala yon masakit na sya as in masakit na talaga ginising ko na yung husband ko nagpasama akong umihi ayon may dugo. Tinawag ko na din yung mother ko sabi baka manganganak na ako and ayon sa di inaasahan nanganak na ko mabilis lang kahit first time ko basta exercise lang may mga tutorials sa YouTube para di mahirapan sa panganganak 🙂. Accounting Clerk
hello po I'm a playschool teacher and also a tutor. nagleave ako nung arw na naglalabor na ako 🤣🤣 naalala ko circle time namen nun sumasayw pa ako then after lunch nakarmdam na ako ng hilab na tuloy tuloy nung una tolerable pa. kasi 14 palang nun and 20 ang EDD ko. pero nung mayat maya na ang hilab nagleave na ako 🤣🤣🤣 pagdating sa ob ko 8cm na ako after 1hr. lumabs na si baby 😊😊. laking tulong ng circle time namen nd ako msyadong nhirapn sa pangangank. note: it was happened last 2019 wala pang pandemic.
working pregnant ako... mejo naging off ako sa company ko kasi ba naman a week before my EDD daw ako magleave. Kung gusto ko dw 2weeks advance, hingi dw ako recommendation from the doctor...Since wala silang nakikitang complications ko, tuloy ang work pero I insist May9 start ng leave ko. Kasi para masulit ko daw ung 105 days ML. Honestly mejo hirap na ako lalo at frequent back pain na narrmdaman ko. Tapos ang layo ng CR from my station. #8months pregnant here.
4months sa dept store.. paabutin q p sana ng 6months kaso pinalitan sked q, pinagko closing b nmn ako e kaka opening ko lng.. ang closing 12:15-9:15 idagdag p yung mahabang pila bgo makalabas ng gate kc kapkap dto kapkap dun.. palibhasa d nila alm pkrmdam ng buntis kaya ng AWOOL nlng aq. Di man lng nila inicp yung pgtatrabaho q ng kulang kulang tatlong taon. Ngpa notary nlng ako requirement sa Mat benefit q.
Currently now in my 34weeks of being preggy working pa din MAKATI - VALENZUELA everyday with shifting sched, since di nman kasi ako maselan talaga gusto ko nga kung kelan nalang ako manganganak saka ako maglileave kaso di ako inaaallow ng HR nmin since sa valenzuela ako manganganak bka sa office ako abutan or sa biyahe kaya mejo pinaglileave ako ng maaga nextmonth august EDD ko. 😊😊
1 week bago ako manganak dun lang ako nag start mag maternity leave noon sa 1st baby ko (napilitan pa 🙂). case to case din po kasi. kung kaya mo pa at depende din po siguro sa katawan ng tao yan. bata pa kasi ako nun, 22 years old lang. but now, sa 2nd baby ko (im turning 32)baka po 1 month bago ako manganak mag leave na ako. iba kasi ngayon parang mas maselan ako. 😣😢
Ako dati sis sa first baby ko sagad talaga last day ko Friday, pgka monday schedule ko na for operation CS kse ako. This time ganun ulit gagawin ko pra mas mahaba ko mksama si baby. Pero Kung nahihirapan ka na meron naman sick leave si sss na pwd mo gamitin pra di mabawasan mat.leave mo just secure a med.cert from your OB and pass the necessary requirements pra cge pa din sahod mo.
Plano ko hanggang kabuwanan ko na magwowork pa ko kung posible yun. Hindi naman din kasi ako maselan thanks God. Hindi ako nahilo o nagsuka, pinakanagpahirap lang sakin constipation na tolerable naman na these days. Magaan lang din naman work ko eh. May kinalaman sa olfaction ang work ko. Scents and perfumes. Buti na lang din hindi ako nagsusuka sa amoy ng perfume.
Hanggang sa kabuwanan, nagwork po ako nun. I also plan to do the same now. Sa 1st pregnancy ko, 2weeks before my edd saka ako nagstart mag-ML kasi I wanted some time para tagtagin sarili ko sa exercise. Forever kasing computer kaharap ko so byahe lang ang pan-tagtag ko before. This time sa 2nd baby ko ganun ulit plan ko. Sagarin hanggat kayang itrabaho hahaha
Working sa office 🖐️ Sa panganay ko, 39weeks. Monday, pumasok pa ako. Tuesday, binigla ako ni baby, ayun nanganak ako, emergency CSection. Sa pangalawa ko, waiting pa. Scheduled CS, 2nd week ng august. Pero kung mag-labor ako ng mas maaga, direcho na ako ng leave. Both pregnancies, sinasagad ko hanggat kaya namin ni baby. Kasi sayang ang leave.