Working while pregnant

Hi mommies. Ask ko lang sa mga nagwork or working pregnant moms natin kung hanggang ilang months ng pagbubuntis kayo nagwork and ano work nyo? ☺

218 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Hi mommy! Nagwowork ako sa isang call center company tapos di ko alam na preggy na pala ako. Hanggang sa magbleed ako habang nasa work. Ayun one month pregnant na pala ako tapos low lying yung placenta. So nagmed leave ako. Until now, 38 weeks na ako, di pa din ako bumabalik sa work, nakaleave pa din ako at every month may nakukuha ako sa sss 😂

Magbasa pa
6y ago

hi ask ko labg yung conpany mo na po yung nagaasikasi with regards to your sss? habang bedrest ka

VIP Member

Hi mommy. I worked extended hours until my 38th week sa first baby ko. Nagddrive din ako to and from work until my 8th month of pregnancy. Planning to do the same for my second pregnancy. i’m an avp for an international bank so mejo toxic. Lagi naninigas tummy ko sa stress pero kinaya naman. Baby came out without any issues/defects.

Magbasa pa

Working sa BPO. Bedrest na ko pero pumapasok pa din ako until now. Kaya ko pa naman kasi. Pero always bantayan at tignan ang sarili. Ako kasi, wala talagang choice kaya need magtrabaho 😂 Plan ko magleave na sa ika 8th months. Mababa kasi si baby. Pero once na tingin mo,nahihirapan na si baby, stop na. Rest is a must.

Magbasa pa
VIP Member

Currently nasa 6th month nako medyo nahihirapan nako kase sumasakit balakang ko at nahihilo, thankful at pinayagan akong magleave of absences for 1 month starting next week. Call center agent ako. Balak ko na sana mag resign kaya lang sayang yung 11k na inibigay nang company beside pa sa makukuha ko sa sss

Magbasa pa
6y ago

momsh, gy shift ka padin ba nung pumapasok kapa?

I'm a night shift CSR and 32weeks pregnant. Hanggang ngayon nagwowork pa din ako, hangga't kaya ko pa and there's no spotting or paninigas ng tyan, go lang. This would help me din kasi para di ako mahirapan manganak since tagtag ako. I would probaby stop working a week before ng due date ko.

sa bank ako sa makati sis then uwian sa dasma cavite.since 29 weeks ko nakabedrest na ko. nagkaron ako ng threatened pre term labor. cause daw po is stress sa work at lalo sa everyday na byahe.so until manganak na ko nakabedrest. im 34 weeks na ngaun.konting tiis nlng ako.sana mafull term.

I'm currently 32 weeks pregnant and I commute almost 2hrs (if traffic) everyday to go to work. I'm a call center agent although day shift maaga ang gising ko 3am. For me it helps na I still work while preggy kasi atleast nakakapaglakadlalad ako kesa mag stay lang ako sa bahay. :)

sken nman 6 months aq nung umalis na sa work. kse gawaing bahay ung work ko. at Lage po aq ngbibleed. my husband told me give up na ung work para kay baby. ng rest nlang aq. depende po iyon mamsh sa stwasyon nyu lalo na kung easy lng work mo at d ka maselan sguro kaya mo until 8months😊

VIP Member

I work as Quality Assurance Food Technologist sa isang food manufacturing plant. I stopped working netong Holy Week lang. Going 37 weeks ako that time. My OB's advise, hanggat kaya mo pa magwork, keri lang.. Pero syempre seek advise pa dn sa OB mo, iba iba kasi tayo ng condition.

Ako po working parin till now.. 34 weeks na ko.. Sabi ng midwife ko,pwede nako manganak after 2 weeks. Ii- i- e na nila ko sa 15 kc maxado na mababa ang tyan ko. Hindi din nila inadvise maglakad ako,kc nararamdaman ko na parang lalabas na xa sa pwerta ko.😂