best formula milk for premature baby (30weeks)
hi mommies! ask ko lang sa mga mommies ng premature ano inadvise ng pedia na alternative milk sa breastmilk?? kasi hirap talaga ung milk supply ko 2oz./day lang nppump ko the whole day. nainom ko na lahat ng capsule na pampadami daw ng milk, pati malungay tea, lagi din ako nakasabaw na may malungay at nakapag pa lactation massage na din ako pero ang konti or halos wala pa din.
![undefined profile icon](https://static.cdntap.com/parenttown-prod/profile_15637872962857.jpg)
Im a nicu nurse po, sa experience ko po while on duty, pag premature yung pt usually binibigay nila is nutramigen, kasi closest to breastmilk daw po. And if mag timpla na po, half strength lang. It means if required sa 30 ml is 1 scoop. Yung sa premature bigay mo lang nang half scoop sa 30 ml.
Try niyo po mag M2 po tsaka wag po kayo pastress pag nagpapump po. Usually nakakaaffect ng production ng milk pag iniisip niyo po na konti lang un magiging output ng gatas niyo po.
nasa NICU ba si baby? di ba pwede magpalatch dun? pwede ka hingi sa kakilala mo ng BM. kawawa naman si baby.
nakakalungkot naman. malalagpasan nyo rin yan mommy. try mo na lang po manghingi ng BM sa mga kakilala mo. and patuloy ka lang na magpump para di magdry up milk supply mo. para pag ok na si baby, may milk pa din sya. fighting!😊
Breastmilk po tlga lalo na premature si baby, pero trt mo PRE-NAN
Try mo bili breastmilk mommy, ayaw mo? Sa fb groups meron
Prenan,enfamil catch-up at neosure po yan po ung mga pang premature n gatas po.628 ung prenan s mercury,ung enfamil po 681.ung neosure dko po alam hm,gatas po kasi ng baby ko prenan,pero palitan ko po n enfamil,constipated po kc sya s prenan eh.
Hot mommy of Primo