Breastfeeding
Hello mommies, ask ko lang po, ayaw kase lumabas ng milk ko. What should i need to do. Naawa ako sa baby ko kasi gusto ko saakin siya mag feed ng milk.
Hi mommies. Sa mga mommies po na gusto magbreastfeed or planing na mag ebf sa babies pero hindi confident sa milk supply nila. Here are some info's po that could help you. I copied this on BFP group on facebook po. Medyo mahaba pero very informative po ito. Posted by Ms. Clarice Aviñante (Bfp admin). Hope this helps po. Our body produces enough milk for baby as long as you breastfeed on demand and do not give supplemental bottles. Reposting from BFP admin Clarice Aviñante: Mommies, especially those who are mix feeding, mahabang post ito pero promise, may saysay ito. 🙂 The more you mix feed, the less milk your body will produce. Every ounce of formula you give is one ounce that you told your body not to produce. Do not fall into the Top Up Trap! Ito yung Top Up Trap: Pakiramdam mo kulang ang breastmilk mo==> Magbibigay ka ng formula/Magta-top up ka ng formula ==> Mabubusog sobra si baby at matutulog ng mahaba (kaya siya nabubusog kasi mabigat sa tiyan ang formula kasi yung composition ng gatas ng baka ay para sa mga baby na baka na merong apat na tiyan eh ang babies natin isa lang ang tiyan; kaya siya matutulog ng mahaba kasi yung energy ng katawan niya ay mapupunta lang sa pag digest kasi hirap siya kasi nga isa lang ang tiyan nya kaya habang nagda-digest, lahat ng energy andun, matutulog ang katawan niya to cope) ==> Mas dadalang ang pagsuso sa iyo ni baby ==> Lalong kakaunti ang gatas mo 😞 ==>Pakiramdam mo kulang ang breastmilk mo ==> At paulit ulit ito hanggang mawala na ang gatas mo (Note: Linagay ko lang sa Filipino ang poster na ito http://goo.gl/fKnQ8e ) Our bodies are wonderfully designed. Kung ano ang kailangan ni baby, yun lang ang gagawin na gatas. So mas madalang si baby sumuso, mas konti ang gagawin ng katawan na gatas kasi iisipin niya hindi naman kelangan; mas madalas si baby sumuso, mas maraming gagawin na gatas ang katawan. Number 1 rule yan sa breastfeeding. Kahit na isang sakong malunggay, gata, fenugreek, brewer's yeast, malt, atbp ang inumin natin, kung hindi magla-latch si baby ng maayos, hindi gagawa ng gatas ang katawan. Ang sabi ng marami kaya sila nagfo-formula kasi pag binibigay nila yung breasts nila, hindi natutuwa si baby at iyak ng iyak. That can be because of so many different things. Usual causes are nipple confusion and missed hunger cues. So what can you do to prevent this? Wag na magformula. Kung mas marami kang formula na binibigay ngayon, wag mawalan ng pag-asa, basahin ang kwento ni Donna http://www.chroniclesofanursingmom.com/2013/08/guest-post-from-40oz-of-formula-milk-to.html Cupfeed and do not bottle feed. Ang pag bibigay ng bote ay "nakakatulong" sa pagkawala ng gana ni baby sa suso. Bakit? Kasi mas mahirap ang sumuso sa ina kaysa sa lumunok na lang ng gatas na tumatapon galing sa bote. Ako man si baby, mas gugustuhin ko na lang ngumanga at lumunok. 🙂 Ang tawag dito ay nipple confusion. Kaya maraming bata na nakabote na bigla na lang hihinto sa pagsususo at "wala" nang magawa ang nanay. 😞 Side note: Ang pagpapasuso ay pre-cursor to chewing and to talking. Ang baby na breastfed, mas praktisado ang panga. Mas madali para sa kanila ang pagtawid sa solids at ang pagsasalita. Bakit magka cupfeed? Kasi sa cupfeeding, hindi nangyayari ang nipple confusion. Kelan pwede mag cupfeed? Pwede as early as pagkapanganak. Ito ang video ng pagcupfeed http://www.youtube.com/watch?v=XY0YTQHR2nA Sa unang senyales na gutom si baby, mag breastfeed na agad. Pag sobra siyang nagutom, aayawan niya talaga "ang pagtrabahuan" pa para mapalabas ang milk galing sa breasts. Iba pang importanteng bagay. Matutong mag hand express. When you hand express, mas nauubos mo ang milk sa breasts, mas nauubos ang milk, mas dadami ang gagawin ng katawan mo. Ito ang file ng paghahand express. http://goo.gl/OMAb1w Wag kakalimutan na ang tiyan ni baby pagkapanganak ay kasing laki ng holen. Holen lang! 🙂 Hindi niya kelangan ng maraming gatas. Eksakto lang ang kakapiranggot na colostrum ni mommy para sa kakapiranggot na tiyan ni baby. 🙂 Tatandaan na hanggang 6 months si baby ang rule ay 1oz bawat oras. So kung nag iwan kayo ng 10oz sa isang araw dahi pupunta ng opisina at kalahating araw pa lang ubos na, sobra ang napapainom ni Yaya, Lola, Tita, Daddy, atbp. So kung formula ang masama, pwede bang humingi na lang nang humingi ng breastmilk galing sa iba? O bumili kaya? Ganun din yun. Bawat 1 oz ng breastmilk mula sa ibang nanay na binibigay, 1 oz din yun ng milk na sinabi mo sa katawan mo na hindi niya kelangan gawin. Kung umiiyak si baby, hindi ibig sabihin ay gutom siya, pwedeng naiinitan, nilalamig, may poop, basa, or ang kadalasang dahilan... nami-miss niya lang si mommy. 9 months si baby sa loob ni mommy, yinayakap siya sa loob, mainit, mapayapa. Paglabas nya magulo, maliwanag, mag-isa na siya... syempre mamimiss ka niya kasi mahal na mahal ka niya. 🙂 Mixed feeding mommies are very welcome to BFP but please remember that the goal is to be able to breastfeed your baby exclusively during the first 6 months or until such time that your baby is ready for solid food. 🙂 Happy breastfeeding!
Magbasa paIpa sipsip m lng sis llbas din yan drink lots of wter tsk kain k ng masabaw mas okay din pakulo ka ng mlunggay un inumin mo everyday
Palatch mo lang lagi si baby, make sure tama din latch nya. Warm compress and massage mo din