Safe pa po bang mag Travel?
Hi mommies, ask ko lang po. 3 month preggy na po ako now and by April po 6 month na akong buntis. Tanung ko po, kung safe pa po bang mag travel ng april from Angeles City, Pampanga to Catbalogan Samar (24hrs po ung byahe mag babarko lang po kasi kami). Then after a week po byahe naman po ako pabalik ng Angeles city. A week lang po kami dun sa Samar. Hnd po ako sure kung safe pa kasi po malaki na si baby sa tummy ko. Baka po mahirapan ako pero gusto ko pong talagang umuwi. Mag tatanung naman po ako ng approval ni Ob ko by next month pero gusto ko po kasi malaman now if okay pa po mag byahe. Thank you so much po. Sana yess ☺.
Mommy, just wanna share my experience. 😊 I'm on my 6th month now, last November 4 months siguro ako noon, bumiyahe kami pa Bicol ng naka bus lang though it has a CR and a lazy boy, nag punta muna kami sa OB ko para magpaalam, sabi ng OB ko okay naman daw mag travel and may nireseta siyang pangpakapit kasi risky months pa daw. Tapos ngayon namang katapusan off to Baguio ako, still nag-ask kami sa OB ko, okay naman at may nireseta siyang gamot na kapag tumigas ang tiyan ko sa biyahe or pagod may maiinom ako to ease the paninigas. My advise sa'yo is punta ka sa OB mo para makapag-paalam ka & maresetahan ka ng gamot if needed. :-) Hindi ka naman po high risk pregnancy no?
Magbasa paKung wala naman pong komplikasyon at di ka naman po maselan magbuntis okay lang po magbyahe pero mas okay po if papayag si ob.
Hnd naman po ako maselan sa pag bubuntis. Pero hnd ako sure kung papayag si ob ko.
Super haba ng byahe mamsh ok pa siguro if eroplano kesa barko... pero ask ur ob if okay lang ba un
Good idea 😇😇 Thank you mamsh sa advice 😁😁
Okay lang namn po wag lang masyado magpapagod at matagtag baka bumababa si baby agad..
Ako po kasi mamsh nag divi kami di naman nakipagsiksikan tamang lakad lang as in mabagal na lakad lang.. Pinayagan naman ako ni doc kaso ng byhe kasi malayo from lubao pa ayun dinugo ako nag pre term labor ako..
pwede naman po kaya lang doble ingat lang po..baka matagtag po kau sa byahe
Yung kapatid ko naman po maganda daw po sumama ako para priority line kami lagi.
Basta hindi maselan ang pagbubuntis mo at mataas sya.
Mommy of a healthy baby girl