Kailan pwede magschool si baby

Hello mommies , ask ko lang kung anong year nio ineenroll babies nio sa school for nursery. MY BABY is turning 3 this august, balak ko na sana ipasok for nursery para matuto siya makisalamuha and maging kahit papano masanay na mawalay sakin kaht sandali para di ako mahirapan pag nag school na siya talaga. Gusto na din niya magschool. Any advice po? Ftm here.

15 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Yung kapatid ko excited talaga sya mag-school kaya inenroll na sya as "saling-kitkit" sa day care noong 3 years old. Okay naman kasi maaga syang nasanay na may kasamang classmates at maaga sya natuto sa school set up. Pero kung officially enrolled talaga as a student, for me masyado pang maaga ang 3. I will enroll my daughter pag 4 years old na sya. Habang younger pa, sanayin mo nalang po muna sa play/pretend school. Kung pwede po meron kang board tapos introduce mo po sya sa primary subjects (math-counting reading-alphabet, arts-colors) and break time/recess para familiar na sya pag nag-start sa actual school. ☺️

Magbasa pa

Hello, yung baby ko nagstart sya magschool ng 3 1/2 yrs old kasi jauary birthday niya and siya naman nagdecide na gusto na niya talaga magschool. Officialy enrolled sya sa daycare pero medyo nahirapan siya sa adjustment kasi 1week palang ayaw na niya pumasok at umiiyak ayaw magpaiwan sa loob ng classroom kasi may mga kids na nanghihila daw ng buhok niya. Kaya ginawa namin nilipat namin ng school public din pero mga kinder na kasama niya. Mas ahead ang age saknya saka teacher din niya ninang niya kaya naging OK naman. Advantage niya lang mas maalam na sya ngayon hehe.

Magbasa pa

ok lang naman mag school ang 3 years old. baby ko nursery 1 sya nung inenroll ko 3 years old lang din sa private school hindi naman puro aral lang ginagawa nila may play time din sila, singing dancing and iba iba activities na maeenjoy ng kids plus kung only child palang sigurado mag eenjoy sya ksi madami sya ka playmate kaya less tantrums sya. dami rin nya natutunan mas naging advance sya. my time na tamad pumasok ok lang mag rest sya since hindi pa naman importante ang perfect attendance pag nursery 1.

Magbasa pa

own opinion maaga pa po yan edad na yan un ganyan age na yan knkrga pa at binababy pa... pero kayo bahala kaw ang ina d aman kmi opinion lang amin yan... tas next aman mag popost nnman un iba dto how tym flies.. blis lumaki ng mga bata may sarili mndo na ayaw na pahalik. may kanya kanya kaibgan na. d na smasama sa mga galaan ng family... yan tayo. ganyan kz ugali ntn... hays... buts reality ganun tlaga... mga abnormal kz mga tao at kasama na ko dun🤣

Magbasa pa

masyadong maaga yung 3. jusko wag ka magmadali miiii. kawawa baby mo. dapat yan naglalaro pa. yung buto nila sa kamay dipa dpt naghahawak ng lapis. ksi dipa fully developed yan. kung matalino ang anak mo kahit di mo pag aralin ng maaga yan. wag po natin sila ipressure hayaan natin na mag enjoy muna sila sa kung saan sila dapat mag enjoy muna. mas healthy ang mental health nila paglaki.

Magbasa pa
TapFluencer

Hi miii .. Inenroll ko din ang toddler ko around 3yrs. old sya sa day care na hinahawakan ng tita ko and she's good naman every Saturday lang ang class nila & saling kitkit lang din sya but, nung graduation nagulat pa ako kasi may award sya. So I guess okay lang but, siguro dapat handa na din si lo kung feeling mo naman kaya na nya Go lang.😊 Just know the pros & cons.

Magbasa pa

Momsh, mas maganda if sa daycare siya kesa sa big school agad or may tuition fee. Kasi nagiiba iba mood nila yung anak ko 3yrs old ko din inenroll sa daycare may time tinatamad pumasok. Hehehe pero okay lang kasi laro laro lng naman sila buti nalang walang tuition atleast save ng money. Importante naman natututo sila makipag socialize.

Magbasa pa

age 3 nag playschool ang panganay ko.. etong bunso ko na 15mos old plan ko din siya papasukin sa playschool Pag nag 2 or 3yo .. yung puro laro lang talaga playgroup sila para lang makipag interact sa ibang ka age nila... tapos mga age 4 pwede na sa Nursery1 (preschool)

Bago mo ipasok sa school momsh,check mo muna kung ready na ba sya or interested na mag-school. Mahirap kase pag pinipilit mas lalo sya ma-stress niyan. Tsaka wag po kayo mag-base sa edad. It should be his/her willingness to learn.

For me maaga pa, maybe next year. Though pwede pa din naman kung talagang gusto ninyo. Mag-inquire ka din sa school kung ano activities na offered nila for that age group. Yung mga singing, drawing mga ganun muna. Hindi academic agad.