Baby stuff

Hi mommies! Ask ko lang if ilan budget niyo pambili sa mga gamit ni baby? First time mom here.

17 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

5k mommy sakto na sa kailangan ni baby paglabas, sa lazada ako kumuha ng newborn pampers, mura ung bundle 1200 ko nakuha ung isang box. tapos sa clothes naman malaki nadiscount ko since direct patahian kami. nde na ako bumili nung mga setset na may longsleeves na tiesides, sayang kasi mainit masyado dito satin nde magagamit ni baby. shortsleeves ang binili ko. sa newbirn mommy unahin mo ng bilhin ang diapers, clothes, tsaka beddings nya. wag na muna sa gears like strollers and such, nde pa naman nya magagamit. :) try ko hanapin ung list ko na ginawa nung una. share ko sayo para iwas ka na sa pagbili ng hindi mo magagamit agad for baby

Magbasa pa
6y ago

sana masend nio.po ung list nio sis..para may idea din ako..salamat

VIP Member

Dko na maalala momsh. Cguro mga arleast may 3k ka good starter pack na yun. Just be wise.. ksi minsan yun ibang clothes na tie side sa mga palengke 35 or 45php each lang. Sa sm 3pcs 375php... cotton nmn din sa palengke mas malambot lang un sa sm basic. Less than 3 months lng nmn mgmit ni baby.. pati bath tub mas mura sa palengke. Sa mall ko bnli mga bottles,socks ibang clothes,wipes,wash.

Magbasa pa

Bumili ka lang muna kahit tag 3 piraso ng : Damit Mittens Medyas Pants Cap Sapin ni baby (nakalimutan ko tawag) Lampin Dahil mabilis lumaki mga baby pahabol ka nalang..tapos sa grocery naman Pampers Lactacyd/cethapil Baby wipes Alcohol Cotton Cotton buds Mga ganyan ..bubudget ka lang mga 3k

Magbasa pa

10k sobra na siguro un.. Kung dika gaano magastos. Tips lang.. Wag bumili ng madami Barubaruan kasi 2-3weeks mo lang sya magagamit :) And ung comporter ni baby and hotdog wag ka na din siguro bumili tama na ung kumot nyo.. Just saying lang po kasi ung saken di na nagagamit e :) depende nalang din po siguro sainyo :)

Magbasa pa

Namili ako nung Baby Fair last time sa Megamall, naka 12k ako don for basic needs ni baby like damit, baby bag, bottles, etc. Tapos for crib, stroller, carseat & playmat naka 30k ako. Tapos for hygienic needs naka 3k ako. :)

Promo terbesar expert care sudah dimulai, diskon hingga Rp.100.000 sedang berlangsung di shopee, ada juga voucher diskon 100% alias gratis bagi bunda yang beruntung. Buruan cek di https://shope.ee/9UfEMMqqTg (id-114320)

depende po s brand or kunq san po kc kau bibiLi 😊 saka ndi nmn din po kaiLanqan bumiLi nq maraminq qamit specialLy damit kc mabiLis nia Lanq din po kkaLiitan anq mqa babies p nmn nqaun ambibiLis Lumaki 😅

Mga 10k, di pa kasali wipes, laundry soap ni baby saka sabon nya. Kung ano kasi nakikita na cute talagang mapapabili ka. 😊 tapos avent na bottle bilhin mo, mas okay kay baby iwas bloated sa tyan.

Yung sakin po 3200 ang nagastos. Sa divi po namili yung mother in law ko. Kasama na po dun yung mga lampin, burp cloths, mga damit ng baby from head to toe, saka may bed na rin po.

Ako sis lahat lahat 10k na rin cguro. Di pa kasama crib ni baby ko dun. Pero sa mga damit at lampin, sabon at mga pampaligo lang nya kasya na 2k :) tamang Budget lang :)