U.T.I

Hi mommies ask ko lang. 3months preggy po ako at nadetect na may UTI ako (18-20) so niresetahan po ako ng CEFALEXIN Antibiotic ng OB ko. Ang kaso natatakot po ako sa sinasabi ng nanay ko na wag daw po ako iinom ng kahit anong gamot pag buntis ako dahil yung kapatid ko daw dati naging blue baby dahil sa paginom nya ng gamot din sa UTI. Sino po dito yung nag ka UTI sa ganitong month? Nag antibiotic po ba kayo? Safe po ba? Thanks ?

138 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

what do you mean by blue baby po? pag prescribed naman po ng OB at hindi self medication, safe po ang antibiotic. ang taas ng UTI mo, antibiotic na talaga yan kasi para sakin di na yan madadaan sa tubig at buko. same kasi tayong takot uminom ng kahit na anong gamot lalo na antibiotic kaya di ko sinunod ang OB at nagtubig at buko lang ako. in the end, di sia nadala doon, mas lalo lang lumala ang UTI ko kaya nagtake ako antibiotic kaso naging resistant na ang bacteria kaya di tumalab. ang ginawa ng OB, tinaasan ang antibiotic. nagsisisi ako momshie sa di pagsunod kasi ang kapalit nun, mas mataas na antibiotic at napakamahal pa. ikaw, nasa sayo naman yan.

Magbasa pa
Related Articles