U.T.I
Hi mommies ask ko lang. 3months preggy po ako at nadetect na may UTI ako (18-20) so niresetahan po ako ng CEFALEXIN Antibiotic ng OB ko. Ang kaso natatakot po ako sa sinasabi ng nanay ko na wag daw po ako iinom ng kahit anong gamot pag buntis ako dahil yung kapatid ko daw dati naging blue baby dahil sa paginom nya ng gamot din sa UTI. Sino po dito yung nag ka UTI sa ganitong month? Nag antibiotic po ba kayo? Safe po ba? Thanks ?

Based on my personal experience, I had UTI twice during my pregnancy period.. Nung first trim, hesitant ako uminom dahil din sa sinabi ng parents ko.. Pero inexplain and nagadvise ung OB ko na, kanino daw ba ako mas magtitiwala? Sa doctor na nagaral at nagdalubhasa sa field nila for how many years or sa sinabi lang ng kamag anak ntn.. And she wanted me to trust her. Momsh, doctor po yan, all i want to say is, ipagkatiwala mo ang buhay mo and ung baby mo sknya.. Hindi nya hahayaan na masira ung career nya para magprescribed ng ikakapahamak ng pasyente nya. Thank God my baby is healthy and never pa nagkasakit or nahospital dahil sa infection. And by the way, I gave birth thru normal delivery. Trust and prayer momsh.
Magbasa pa