U.T.I
Hi mommies ask ko lang. 3months preggy po ako at nadetect na may UTI ako (18-20) so niresetahan po ako ng CEFALEXIN Antibiotic ng OB ko. Ang kaso natatakot po ako sa sinasabi ng nanay ko na wag daw po ako iinom ng kahit anong gamot pag buntis ako dahil yung kapatid ko daw dati naging blue baby dahil sa paginom nya ng gamot din sa UTI. Sino po dito yung nag ka UTI sa ganitong month? Nag antibiotic po ba kayo? Safe po ba? Thanks ?
Try , mo mag inom sis Nereseta nman yan nang OB mo eh! Alam nang doctor mo kung anong dpat mong inumin sis .. Just try ob mo nman nag sabi eh
Kung nireseta ni ob safe po yan inumin nyo di maganda na my uti pag buntis pwede makuha ni baby yan. infection po yan eh kailangan gamutin.
Same here nagka uti ako nung 2nd trim ko di ko din ininom yung gamot ko. Ngaun pinag urine nanaman ako pag nagka uti ako iinomin ko na talaga
safe nman po as long as prescribed ng ob mo sis...tapos inom ka palagi buko juice mabisa din yun...yun din kasi ginawa at ininom ko e
Dapat mo inomin yan para di mapunta kay baby mo yong infection di naman nag reresita ang doctor kong ikasasama ng baby mo sis..
Prone sa UTI ang preggy. Pero ako nun I followee the doctor, they know better. Pero ask your doctor to para ma enlighten ka
Mas maaapektuhan po ang baby ninyo pag hindi nyo ginamot ung uti nyo po. More water intake, less salty, sweet and spicy foods.
Ako po nagka-UTI ako last december 26, pero okay na siya ngayon nung naubos ko na yung gamot, safe naman, basta bigay ng OB.
nadetect din ako na my UTI pinapainom din ako ng anti biotic but gnawa ko is more water na lng ako then iwas sa salty foods
mas maganda na ung may iniinom na gamot momsh kesa ndi mo gamutin agad. meron pong side effects un kay baby pagkalabas nya