Honestly, umiyak po ako dahil natakot at kinabahan po ako. 1st year college palang po ako and super unexpected po yung pagdating ni baby. 5 months na rin po si baby nung nagtry po ako ng pt. (Irregular po kasi mens ko since April 2018)
Nung sinabi ko sa BF ko, di siya natakot. Naging happy pa siya nung nalaman niyang preggy ako. Papanindigan at pananagutan daw niya ako. Haharapin niya ang fam ko. Nakakatuwa kasi di niya tinakasan yung responsibilidad niya samin ni baby. Ayon, umalis siya sa trabaho at naghanap ng mas maayos na maganda ang sweldo para makakapag-ipon na kami.
Unti-unti na ring nalaman ng fam ko. At first disappointed sila pero naisip din nila na blessing si baby lalo na't kakamatay lang ng Mama ko last March. Inisip ko rin na si baby ang kapalit ni Mama kaya maaga siyang dumating samin. ๐
Ngayon po, 1 week and 3days old na ang baby boy namin. Super okay na sa fam ko and super okay kami ng BF ko. Mas tumibay at mas matured na kami ngayon gawa ni baby. โบ๐
Magbasa pa