REACTION! ??????

Mommies ano unang reaction nyo nung nalaman nyong pregnant kayo? Ex. Pagkalagay nyo ng urine nyo sa PT at unti unting may lumalabas na two lines! Nagsisigaw ba kayo sa loob ng CR? ? Saka syempre importante yung reaction naman ni Daddy? Paano nyo sinabi? Surprised ba? Pinagsigawan nya ba sa mga kapitbahay na magiging Daddy na sya? ?? Anu-anong adjustments na yung nagagawa nyo bilang Mommy at Daddy sa pagdating ng pinakamagandang blessing sa buhay nyo?

64 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Shookt momsh sobra hahaha kasi nagpachekup ako noon lagi ako nahihilo at nagsusuka sabi ng doktor vertigo daw. Ayun after a week nagdecide ako magpt kasi delayed na din mens ko nun. Pagkalabas ng result ng unang pt nanlaki mata ko sobrang saya di na ko nakapagsalita haha pero di ko agad sinabi kay hubby kasi kinabukasan nun anniv na namin saka ko binigay sakanya yung dalawang positive na pt pagkagising nya. Di naman sya nagsisigaw pero sobrang higpit ng yakap nya sakin at di sya makapaniwala

Magbasa pa