REACTION! ??????

Mommies ano unang reaction nyo nung nalaman nyong pregnant kayo? Ex. Pagkalagay nyo ng urine nyo sa PT at unti unting may lumalabas na two lines! Nagsisigaw ba kayo sa loob ng CR? ? Saka syempre importante yung reaction naman ni Daddy? Paano nyo sinabi? Surprised ba? Pinagsigawan nya ba sa mga kapitbahay na magiging Daddy na sya? ?? Anu-anong adjustments na yung nagagawa nyo bilang Mommy at Daddy sa pagdating ng pinakamagandang blessing sa buhay nyo?

64 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Nung ako po almost 2 years na kami nagttry. Then nagPT kasi may APE kinabukasan. Nag positive siya pero hindi ko pinansin. Sa pagod lang siguro. Pero nung inulit ko nung umaga positive talaga. Same day nagpaultrasound ako pero wala pa nakita. Nung sinabi ko sa daddy tuwang tuwa kinukulit ako habang ako nasstress kasi wala pa makitang heart beat. Nagpaultrasound ako after 2 weeks. Nung nakita ko heartbeat nya dun nako naiyak. Tears of joy.

Magbasa pa