105 Replies

In my experience lang, depende talaga sa bata. Sa first born ko, may rocker, crib and stroller sya. Bet nya ung stroller nya pero ayaw nya sa iba. Nung pinamana na sa pinsan nya, ayaw ung crib, bet ung rocker. Ngayon sa 2nd baby ko, rocker din ang bet. So I suggest mommy mas mabuti pa talaga tsaka na bumili pag nanjan na si baby para maobserve mo kung si baby ba ung tipong pwede maiwan ng nakahiga lang, kung bet nya ba ung niyuyugyog etc.

VIP Member

Hi sis! I have both and i must say na mas useful po talaga ang duyan kase pwede mo pong iwan si baby samantalang sa rocker di mo po siya mapapatulog kase nakabaluktot po sya kahit unanan mo sa gitna and habang lumalaki po kase si baby lumilikot sya so hindi na po nagamit specially nung natuto syang dumapa kase baka mahulog kahit may belt thouh magagamit pa naman sya pag malaki laki na si baby😊

Never use that sis since exclusive breastfeeding kami hindi nakakatulog si lo kung hindi mag unli latch kaya wala ako niyan..stroller at high chair at crib ang sobrang helpful...stroller particularly...now na marunong na kumain on her own since 1yr old na si lo high chair ang gamit na gamit

VIP Member

https://m.facebook.com/ShiningKidsSuperstarPH/photos/a.154344089604330/154360759602663/?type=3 Mommy makakahingi lng po sana ng heart ❤️ react po sa pic ng baby ko. Click lng po ang link maraming salamat po🙏

Duyan po, base my experience my 4yrs.old bby girl until now nagduduyan pa rin mas mabilis sya makatulog then pag tulog na sya kinuha ko na sya at lagay ko na sa kama kasi malaki na eh hehehehe

Depende sa baby.Yung 1st born ko dati binilhan namin ng duyan ayaw nya dun hehe.Ngayon sa 2nd baby ko nanghiram muna kami ng crib para itry saka na lang bibili pag gusto nya ang crib 🙂

Duyan mas maganda, ang rocker kc tuwing gising lng magagamit at minsan kapag ayaw pa ng bata hnd magagamit. Bawal din maiwan tulog sa rocker ang babay nag ca-cause ng SIDS.

Super Mum

Natry ko po both pero mas matagal ni baby nagamit ang duyan, sa duyan po tlaga sya natutulog. Ang rocker ginagamit namin pag naglalaro lng sya.

Duyan kasi pag rocker pag nag start na gumulong o maglikot si baby hindi na sya applicable gamitin..baka tumaob pa si baby.

Duyan po. May rocker din si baby ko kaso ngayong 4 mos na sya dina sya kasya. Nagamit nya lang rocker nung new born lang sya.

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles