Age gap
Mommies! Ano ang ideal age gap niyo when it comes to our kids?
minimum of 1 yr max of 3 yrs. Plano kasi namin, hanggang 35 lng ako magbubuntis pra naman hndi kawawa maggng mga anak namin. di namin gusto na senior na kami tapos may high school pa.
ideally, 7 years daw if bata ka pa para daw hayahay ka na dun sa panganay hehe pero ako personally, 1 lang gusto ko anak 😁 sapat na tong baby girl ko
well, yung akin po. ang usapan namin ni hubby pag malalakinna mga bulilits pero ito dumadating nalang samin. at ayun. 1 or 2 yrs. ang age gaps nila.
we decided na 7yrs old sundan ang panganay namin since naeenjoy pa namin na magiisa lang sya,mas natutukan namin
for ke depende sa financial status nyo po pero 4 years up is okay para hindi magsabay sa college hehe
at least 3-4 years between kids sana para semi independent na yung huli bago may dumating na bago.
skn 6years.. ok nmn naasahan ko na panganay ko sa pg aalga ng kapatid nya. .😊
Di ko pa po kino consider age gap sa amin. 36 na po kasi ako at naghahabol. Sana makarami.
3 years sana pero dahil malabo kami ni partner, di ko alam kailan pa masusundan si baby.
for me walang ideal gap. make sure na ready ka na financially, emotionally, lahat.