DNA test for legal purposes (RA 9262 PSYCHOLOGICAL VIOLENCE)

Hello mommies, the alleged father of my child was threatening me. Pasok po ba ito sa RA 9262 PSYCHOLOGICAL VIOLENCE? He demands a DNA testing when the baby is out. Kapag hndi daw skanya ang bata ay kakasuhan at ipapakulong nya ko. I told hin that I'm NOT scared & I'm sure that he's the father dahil wala naman ako ibang naka relasyon ng nag hiwalay kami at na assign sya sa malayo. We've been LIP for 5years, suddenly he assigned in Mindanao. I caught him with another girl then we broke up. He go home every other month, we try to fix things but wala na talaga. Tapos nabuntis ako. Wala akong iba but he always accusing me na meron kaya kelangan daw ipaDNA ng baby ko paglabas. Sobrang sakit for me at sobrang insulto for me since day 1 of my pregnancy. I am trying to calm his mind and prove him wrong every time he go home. Nag babago naman isip nya pag magkasama kmi, natatanggap nya na baby nya at iapelido nga daw skanya at pinapangakuan ako but when he go back in Mindanao, he suddenly change his mind again. Hindi ko na alam para bang sinasapian. I really don't know what to do. It gives me so much stress and overthink. Buong pag bubuntis ko puro stress at pag iisip ng kung ano ano nalang. Pasalamat na nga lang ako at active si baby, sign that my baby boy is healthy at 24weeks. Ano po ba dpat kong gawin? Ayoko naman sya kasuhan kung kanya ko iapelido ang bata. For the future of my child. Pero makatarungan pa ba yung ginagawa nya sakin? 😢 Sobrang gulong gulo ako.. Panay isip.. Hndi ko maiwasan magalit, sumama loob at mag isip.

7 Replies

Ahm… hi mi the good thing na maunahan mo sya ng kaso pwedeng icourt order ang DNA to lessen expenses if handled na ng court ang case nyo. Sa pagDNA kasi ang supposed papa, ang mama and ang bata ang maghahati sa maincur na expenses so d sya ganun kadali financially para ideclare. Dun naman sa concern mo na apilyedo ng partner mo, that’s the right of the child so labas dun kung d kayo nagkasundo ng partner mo. So kung d nya gagawin ibang kaso nnaman ang pwedeng ikaso sa kanya.

thank you po for answering my question. i really need someone to enlighten me regarding my case. and yes, rights ni baby ang surname ng father nya.

Pwede naman po but you need to submit an evidence (psychological report/ evaluation) na talagang nagcause sya sayo ng psychological abuse. So you need to have yourself duly evaluated by a psychologist who could testify in court na yung ginawa ng partner nyo really caused you psychological distress. Also, sino gagastos ng DNA test? If proven na sya ang ama, dapat sya ang gumastos nun. And kung ganyan pala relationship nyo, gusto nyo ba talaga ipa-apelyido pa sa kanya ang bata?

I understand na right po ni baby yung sa apelyido ng papa nya. Ang sakin lang, kung maging maayos relationship nya sa papa nya, eh di ok. Pero if (huwag naman sana), maging estranged lang sila ng ama niya, magiging insecurity nya pa yun, lalo na kung in the future magka-asawa at anak kayo ng iba. Tapos isang buong family kayo na magkaka-apelyido, yung sa anak mo ay iba. Anyway, that's based on a real life scenario lang kasi na nangyari sa pamangkin ko. Kasal yung pinsan ko pero na-annul. Ang ending, yung panganay nya tuloy naging insecure lalo, mas ok pa kung pareho na lng sana sila ng apelyido ng nanay nya. Anyways, syempre that's your call. I just gave you a food for thought. Goodluck po ☺️

May mga taong takot sa sariling multo. Don’t be stressed sa DNA test as long as you know the truth. Ibigay mo ung hinihingi nya and in return wag mo ba syang balikan. He cheated and denies your kid. What more pa pwede nyang gawin?

Ikaw nga kakasuhan nya, tapos sya hindi mo kakasuhan sa ginagawa sau at binibigay na stress sainyo ng baby mo. Be strong, anak mo isipin mo, kung future kaya mo yan ibigay sakanya.

kahit yung pambabae nya during pregnancy mo pasok na rin po yan sa RA 9262 mii .. lalo na kung may ebidensya ka naman.

VIP Member

pasok sa RA 9262 pag nam babae.. styaka mag isip ka mabuti kung ganyan relationship nyo ipapanapelyido mo pa ba??

surrender it to Jesus 🙏

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles