5 Replies

same situation sis. nag aaral din asawa ko at pagraduate na din kaya di pa kami makabukod at dito kami nag sstay sa kanila. Ang sakin naman is baliktad ng sayo 5months palang baby ko pero pinapakain na nila ng solid foods like french fries, kanin ang kung ano kinakain nila pinapasubo kay baby hindi din naman masabihan ng asawa ko kasi takot sya sa papa nya pero pag mama nya lang pinagsasabihan nya pero di nakikinig naaawa ako sa baby ko kasi minsan hirap na hirap dumumi kasi buo pa yung pagkain sa dumi nya minsan umiiyak nalang sya sa hirap nyang pagdumi. di rin naman kasi kami pwede dun sa side ko kasi masikip ang space haysss sobrang hirap

hindi naman sa tinuturuan kita sis.. yes nangyare sakin yan na hindi nila ginagawa yung dapat gawin like 5months palang baby ko patago nila pinapakain kaya ginawa ko nagkukulong kami sa kwarto or d kaya hindi ko pinapahawakan sa kanila anak ko and kinausap ko si hubby na once may mangyare sa anak ko sa pinag gagawa nila. wag nya hintayin na pamiliin ko sya. ayun kapag nagsasalita inlaws ko na wala si hubby na about sa baby ko.. sinasabi ko palagi sabi po kasi ng pedia ganun.. or kapag andito naman si hubby sya nagsasalita. minsan sis need natin manindigan bilang nanay kasi kungmay mangyare sa baby natin hindi naman sila mas maaapektuhan kapag may nangyare sa baby natin. ngayon kahit ano sabihin sakin ng inlawa ko na dapat gawin sa baby ko sis basta ayoko hindi ko gagawin kasi anak natin yan eh tayo lang dapat magdedesisyon

nag ask po ako sa pedia. wala naman daw po problem sa pinapakain ko sa baby ko and hindi naman daw po ganun karami pinapakain ko.. acute gastro.po findings sa baby ko. kasama daw po talaga dun suka tae. nakukuha daw po yun sa pagsubo ng kamay pagsubo ng mga laruan at sa sobrang init. inexplaine narin po ni hubby sa inlaws ko.. pero pinipilit po talaga nya na cerelac. and gusto nya palaging may white rice sa food ng baby ko which is binawal ng pedia.. hindi rin po ako pwede sa side ko kasi lahat po ng kapatid ko may family na. mother ko po nasa side na ng isa kong kapatid may sakit po..

tama naman. pero ung gulay and fruits dapat nakapuree muna. baka kasi nabigla ung tummy nya. mas di nga maganda if cerelac cerelac e wala naman nutrients dun. as for sa bukod, kung lagi kang sinisita jan, usap kau ni hubby. or baka pwede muna kau sa side mo tumira until kaya nyo na.

ang rule po kasi tlga.pag nag.asawa na bumukod.ang choice niyo lang tlga is bumukod o magtiis s mga in laws mo.ganun tlga sis.wala kayong kalayaan mag.asawa magdecide anjan kayo sa poder nila.meron at meron sila masasabi.tiis nlng tlga kayo s mga ssbhin nila.

Baka kaya mag llbm naman po si baby kasi nag aadjsut pa yung tummy nya. Like my 2 months old baby. Nung nagpalit ako ng milk nya nag lbm din sya. Kasi po syempre hindi naman sanay tummy nya sa mga foods na agad. As long po na maganang kumain and/or dumede si baby.

kasi po madalas naman talaga sila mag poop and lusaw naman talaga kaya mahirap marecognize

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles