Priorities
Hello mommies, 38 weeks na kong pregnant at FTM. Normal siguro sa ganitong stage maraming iniisip. Maglilipat kami ng apartment within this month kasi masikip sa inuupahan namin ngayon, gusto ng mom ni partner na isama namin yung college nyang kapatid (private school 1st year) para raw may katuwang ako sa bahay. Working po kami parehas pero ako nakaleave na po and 4 months walang stable na income and si partner wala ring permanent work. Rider. Sa tingin nyo po, okay ba na isama namin sya? Oo, may katuwang ako sa bahay at kasama pero alam ko kapalit nun kami na magpapabaon and magpprovide ng school expenses. Sa panahon po ngayon kakayanin kaya namin mga gastusin? Di ko alam kung makakatulong ba talaga samin yung ganung set up or dagdag problem lang. kung ako kasi habang nakaleave ako priority ko talaga si baby and gusto ko masolo anak ko habang fulltime pa ko sa bahay. Ayoko rin naman mapasama sa side nya :( maiintindihan po kaya nila ako? π