Public or private school
Hingi Lang po idea. Mag school na kasi si toddler this school year. Nursery, di po namin alam if public or private school. Baka kasi mahirapan sya makipag socialize kasi hindi sya sanay sa English talk. Tagalog po talaga, may mga basic words lng sya ng English na alam, like NO , BAD, MINE . Which is normal naman yun diba hehe. Na notice ko po kasi one time may bata na nakikipag laro sakanya pero English magsalita, di nya pinapansin and di sila nagkaka intindihan 🤦😔 friendly naman po yung anak ko. Sa private expected ko po English language talaga sila Sa public naman mix language. Mga karamihan kasi sa bata ngayon English language na dahil sa gadgets din. Maa-adopt naman po siguro ung mga language . Kaya i need your opinion din po sana....
Hi! Former teacher in 2 international schools here. Kids easily learn and teachers will (should) adjust naman if she/he needs to translate. Pero you may start talking with your kid in English din kasi definitely kaya nya yan matutunan habang bata. For me, both private and public are okay, but if you have the means, personally I would choose private because of the facilities and experiences that they can offer. Yun bang at an early age madami nang hands on experiences ang bata and the teachers there have trainings and experiences na most probably hindi po nagagawa sa public, unless the teacher puts more effort and unfortunately their own budget. (This happens po talaga kasi sa teacher friends ko in public schools. Para magawa nila yung activities na talagang ikaeenjoy at mas madami ang matututunan ng mga bata, naglalabas sila ng budget nila which is sad. Kung hindi naman, tanging pen and paper lang ang gagawin ng kids )
Magbasa pa