Baby hates bath time
Hi mommies, 3 months na si baby and ayaw parin niya bath time. As in super iyak and sigaw sya pag naliligo. I make sure na warm naman ang water nya and mabilisan lang ang ligo niya. Any tips po to solve this? Thank you.
Ang ginagawa ko dati before maligo at least 20 minutes pagkagising ng from nap and well fed na siya. Fussy din siya dati seconds after ibuhos ang tubig. Imake sure mo na maligamgam ang tubig pero check ko din kung after mo ba ibuhos sa loob ng siko mo lalamig agad ang pakiramdam mo. Dapat warm talaga na hindi naman na nakakapasok pero ramdam mo pa din yung warmness niya. Nakakatulong kasi yun mangparelax kay baby, mga 15 to 30 minutes after bath nakakatulog na siya without fussiness pag ganun. Nakakatulong din pag gamit ng bath net at pagbuhos ng small quantity ng tubig. Dapat din iparamdam mo na relax ka habang pinapaliguan mo si baby kasi malakas pakiramdam nila sa tensions. Sana makatulong.
Magbasa paAko po nung newborn si baby ganyan din siya, ftm mom kasi kaya fi ko pa siya kabisado. Then maybe after 2 weeks ginawa ko po is i make sure na busog po siya, pinapadede ko then pag busog ma nilalaro ko siya para di makatulog at ma digest muna ang milk. Effective naman di na siya naiyak, tapos dapat kinakausap siya or story time po kay habang punapaliguan siya.
Magbasa pakausapin nio po pag maliligo, smile ka po and make it a habit po na after bath, balutin mo ng kumot si baby tapos yakapin mo at ikiss mo. yan kasi ginagawa ko nubg first month ni baby kasi umiiyak talaga pag pinaliliguan. effective naman siya ngayon problema ko iba na, ayaw na paawat maligo π umiiyak naman pag binibihisan na
Magbasa paHi mommy! Ganyan din po ang baby ko until 2mons sya. Ang ginagawa ko po, dahan-dqhan ko syang binabasa tapos kinakausap ko po sya, kinukwentuhan para makuha attention nya tsaka nilalaro eventually tumigil din sya sa pag iyak. π
Mommy same with my LO. 2mos na sya until now iyak parin sya, ginawa ko na ifeed sya, magpatugtog ng cocomelon, kausapin and all. Wa epek pa rin.
baka mommy gutom na gutom di baby. ok lang nmn po umiyak ang baby sa umaga, try mo mommy busugin si baby after 30mins tyka mo po sya paliguan.
Pano po kayo mahpaligo? Inuuna nyo po ba ang ulo ng baby? In our case po katawan inuuna namen kase nga pagbinasa na ulo na iiyak na sya.
make sure hindi gutom or antok si baby sa time na papaliguan sya. agree din sa paggamit ng baby bath support
Mommy try nyo po iopen you tube ipanood mo sa kanya ang mga nursery songs while taking bath hehhe
baka mabigla c bb. dahan dahanin mo lang po pag pinaligo.an cya