ultrasound
hi mommies, 18weeks lang ako nagpaultrasound for gender reveal, and naka breech position pa si baby. ilang weeks kaya dapat ulitin ultrasound para malaman kung naka ayos na sya ng pwesto? 33 weeks na ako now.

Kita pa rin naman po kung nakaposisyon na si baby kung magpa-ultrasound kayo at 33 weeks. Though your OB can tell u naman po yang position ni baby every check up lalo kung may personal OB po kayo. Manghingi lang po kayo req form sa pinagchecheck-up-an ninyo para po makapagpa-ultrasound kayo ulit. Ang CAS po ang hindi na pwede kasi dapat early as 24 weeks ata siya ginagawa.
Magbasa paTip nalang mi. Lagyan nyo ng earphone banda sa puson nyo habang may music para umikot daw po si baby. Ganyan ang sinabi sakin ng midwife noon nakabreech din kasi baby ko dati. Tapos nagbago naman ang posisyon nya. Try nyo lang baka kaya pa naman umikot pa si baby.
Dapat po di nyo pina abot ng 33 weeks kasi mahihirapan nyan dapat inulit nyo din kasi sakin nung dipa nakita kasi suhi nga din at naka talikod si baby 1 month lang pinabalik nadin agad tapos yun na nakita na.
Buti sa pinagchecheck upan ko b4 every visit kay OB kasama sa check up un ultrasound 500 pesos lang un check up... tapos if ipapa print un result tsaka lang babayaran un ultrasound...
Sabi ng OB ko mi, pag 34weeks na, fixed na ang position ni baby
24weeks po ba nakikita na Ang gender ni baby mga mommy?
18 weeks lang sakin nakita na.