Ligo

Mom advised me not to take a bath for a month after giving birth daw para hindi pasukan ng lamig. Lola ko nga daw 2 months hindi naligo. I don't know pano ko sya susundin kasi summer ang labas ng baby ko, and mejo kulob sa bahay. We have a/c pero syempre, hindi naman nakabukas ng buong araw. I don't really like din not taking a bath, twice to 3x nga ako naliligo kapag summer eh. Plus unhygienic for me since bubuhat buhatin si baby. Kayo mga mommies, kailan kayo nagtake ng bath after manganak?

24 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Pagkapanganak ko kinabuksan naligo na agad ako sabi ni ob pero pinagalitan ako ng manghihilot kasi muntik na kong mabinat hinabol nya yung lamig sa katawan ko. 1 week nya kong hinilot (sobrang lagkit sa pakiramdam as in.) Nakamedyas at pajamma pa ko, pero after that pinausukan nya ko ng dahon ng bayabas at naligo ako pero yung pinaligo ko pinakuluan din ng dahon ng bayabas pagtapos non sobrang gaan naman ng pakiramdam ko wala na kong naramdaman na masakit sakin and parang narecharge ako parang hindi ako nanganak. Siguro try nyo magpahilot mommy kasi yung mga ibang ob iaadvice satin na maligo pagtapos natin managanak parang wala na silang pake kasi tapos na yung trabaho nila, hindi naman po masama sumunod sa pamahiin na magpahinga muna at wag maligo. :)

Magbasa pa

Hindi naniniwala anga mga doctor sa mga pamahiin ng mga matatanda. Kase scientific facts lang pinaniniwalaan nila. Sa cs di ko alam pano, pero nung nanganak ako normal after 15days naligo ako ng mainit na tubig na my kasamang mga dahon dahon. Then pinaupo ako don s mga dahon na umuusok para mausukan daw ung pwerta ko. Nung araw na naligo ako, ang sumunod na ligo ko is after 10days. Then araw araw na pero warm water pa din. Parang 1month ata ako nligo ng warm water. Then ayun di ko na natiis hahaha nagmalamig na ako kase summer naman.

Magbasa pa
5y ago

Iba ibang klaseng dahon sis hahaha akala ko gagawin na akong sinigang na baboy hahahaha may dahon ng kamias, dahon ng mangga, tas nakalimutan ko na ung iba pa hahahah Pede ka naman mag punas punas sis, ganon kase sabe ng lola ko punas punas ng katawan ng warm water. ugas dn gamit warm water. Pero di lang tlaga naliligo. after 15days first ligo ako, then after 10 days na ung second ligo ko hahaha tas ayun araw araw na ahhaha

VIP Member

Ako 5days after delivery, naligo n ko sa ospital. Naadmit kc kmi for 5days. Then pgkauwi ko sa bhay pinagalitan ako bat daw ako naligo mbibinat daw ako. After 15days saka ako naligo. Super init ng pkiramdam,partida nkapajama,tshirt,medyas p dapat😭. Di ko alm bat gnun katagal pamahiin ng mga ksama ko sa bhay haayyss. Pero until now n 2months n c lo nliligo ako ng warm water kc di ko p kaya ng malamig haha

Magbasa pa

After ko po manganak nun kinabukasan naligo na agad ako sa CR hospital mismo. Warm water pinaligo ko as in napaka aliwalas. And that was 2013 ago. Hindi naman ako pinasukan ng lamig. Open po kasi ung pores natin after manganak. So better warm water :) and also dapat clean tayo lalo na hahawakan natin si baby 👶. Ayaw ko naman kamot ako ng kamot sa hair ko at tsaka ko hahawak kay baby 😂

Magbasa pa

Yung asawa ng pinsan ko ganyan ginawa pagkapanganak nya. Ang ending nag away lang sila mag asawa kasi nagkakuto ung asawa nya dahil sa hindi pagligo. 🤭 nilayo pa ng pinsan ko pansamantala ung anak nila kasi natakot mahawaan ng kuto ang kapal pa naman ng buhok ng baby.

5y ago

March na due ko! Haha super init na nga February pa lang eh. Mom ko din naman hindi mapamahiin, ewan ko ba bat yan kaisa isang pinaniwalaan nya. Haha

2weeks momsh. Grabe sobrang init sa katawan yung buhok ko ang lagkit lagkit na. What more if 2months? Feeling ko lalo akong mabibinat kung ganun katagal ako hindi maliligo.. until now kahit 2months na ko after ko manganak, maligamgam na tubig parin pinapanligo ko

after 1week to 10days po. normal delivery. although ndi naniniwala ang mga doktor sa gnyan, i still followed what my mom said. mhirap na mabinat at mpasukan ng lamig. haha. everyday nman po linis ng ktawan, bsta ndi mbabasa ang ulo at likod.

Baliktad naman po ako sis after 6 days naligo na ako 3 days sa hospital plus 3 days sa bahay CS here din wala akong pajama normal lang na damit nakaharap sa electricfan bawal mahanginan eh ang init po wala naman po nangyari sa akin.

VIP Member

The next day pagkapanganak naligo na ko. Warm water. Ang sarap kaya sa pakiramdam ng fresh. Pagktapos mo pawisan kakaire saka nagpapabreastfeed din ako. Ayoko naman dumikit sa baby ko ng madumi ako at nang gigitata. Hahaha

10dys lng momsh matagal n nga yun.. sa mga matatanda po talaga gnon nksnayan isng buwan para iwas binat.. a week or two mkakatiis pa pro wg nmn one month.. mligo ka ng may dahon ng bayabas pra payagan ka nila makaligo

5y ago

hndi dn kasi biro ang binat.. nrnsan ko un parang lutang pkrmdam.