Mistress ng isang konsehal sa isang bayan sa Quezon Province ung mil ko, nabuking ng legal wife, kaya humingi ng help sa asawa ko na baka pwedeng bumalik sa min, kaso ang takot ko baka umiral na naman pagkachismosa nun, nakasama na kasi namin sya noon sa bahay; siniraan ako ng siniraan sa mga kamag anak nila pati kapitbahay namin, kacall na kachat pa tapos may gc pa sila ng mga dabarkads nyang chismosa na ako ang topic, (nalaman ko kasi may nagsabi na pinagchikahan nya). Tapos ako pala ang binubully ng matanda naming kapitbahay na katandem nyang mang insulto sa kin.Huli ko na narealize.May pagka narcicists po ang mil ko.Lahat ata ng pagkukulang nya sa kin pinuproject tapos pinapalabas pa na ako ang gumagawa ng kwento.Kaya nung nakahanap sya ng maperang boyfriend,at aalis na daw sya sa amin, sabi ko sa asawa ko, wag na pigilan kasi baka kako isumbat sa min ng anak ko sa katagalan, di na rin kami nagffb mag asawa kasi 2 yrs ago puro sya parinig post dun tapos nagpapaawa sa lahat. Ayoko na sya maging part ng life namin lalo na nang anak ko at baka mahawa pa sa ugali nya.Help naman po na maglatag ng magandang at acceptable na dahilan.Salamat.