Minsan talaga gusto ko ng lumayas dito samin. Pakiramdam ko ako ung nakikitira sa sarili kong pamamahay. Pamula backpay ko sa trabaho ko dati hanggang sa maternity benefit ko, in-laws ko nakikinabang. Ni hindi ko mabilhan mga anak ko kahit tig 50 pesos na laruan dahil sa sobrang pagba budget ko dahil kasama sila sa pagkain namin. Dagdag pa na walang trabaho asawa ko ngaun dahil imbes na pinang apply niya ung huling sweldo niya, ginastos niya rin dito sa bahay dahil hindi tumutulong mga kapatid niya which is usapan naman nila. Lagi na lang silang walang pera daw pero makikita mo kung saan saan na lang nag gagala. Ang masakit nito, ako na nga gumagawa ng paraan ngaun para mabayaran lahat ng bills pati pambili ng pagkain, may maririnig pa ko na mura dahil lang naghanap ako ng pagkain kasi di ako nakapag tanghalian. Sinasabi ko naman sa asawa ko kaso wala eh. Kelangan daw namin tumulong. Eh sa lagay namin parang kami yung mas nangangailangan ng tulong. Sorry. Sobrang stress na talaga ko lalo na kapapanganak ko lang. Pakiramdam ko lahat ng kakulangan dito, kasalanan ko. Sobrang nagsasawa na ko.