Walang Emergency Fund
Mga inay. Palabas lang ng hinanaing. Sobrang sama na ng loob ko sa mga kapatid ng asawa ko. Alam nila na krisis ngaun pero wala kami narinig sa kanila na magbibigay sila budget para sa magulang nila na nasa poder namin ngaun, nagbibigay sila dati pero pag trip lang nila ganitong sila nagpauwi uwi samin kahit ayoko dahil hindi namin kaya financially kasi nagresign ako bagong panganak pero pinilit pa rin nila gusto nila. Alam nilang krisis at no work, no pay asawa ko. Hindi rin kami nakapag tabi para sa emergency fund kahit dumaan na 13th month at sss matben ko dahil kami sumasalo sa pangangailan ng in-laws ko. Ang nangyayari kasi kahit pati sarili kong pera, pera na din nila kaya wala akong maitabi. Ung binibigay sa kanila ng mga anak nila, pera lang nila. Swerte na kung maglabas sila pangdagdag budget. Ngaun, walang wala na talaga kami. Sobrang nakakasama ng loob kung kelan krisis lalo kaming walang maramdaman. Ung meron kami sasakto na lang ng pang isang linggo, pati mga anak ko tinitipid ko na sa pagkain magkadya lang.