16 Replies
Ganyan din ako ngayon.. Di ko alam kung ako ba ang may mali o yung partner ko. Sobrang nalulungkot ako. Pag naglalambing sya feeling ko di totoo. Nag loko na din kasi syq noon. Kaya alam ko may posibilidad na akitin lang sya ng iba.. Bibigay na sya. Never niya ko pinuri kahit noon. Tapos ngayon Tumaba kasi ako ng sobra after manganak nilalait niya ko ng pabiro pero di ko maiwasan na seryosohin yon. Pag nag tatampo ako, hinahayaan niya lang ako. Tapos sa apat na taon naming pag sasama nihindi niya alam yung gusto ko at mga ayaw ko. Wala syang pake.. Di manlang sya mag effort na alamin. Gusto niya mga gusto lang niya masusunod. Buti nga nagagawa pa niya mga gusto niya samantalang ako limitado na. Ako yung nag babantay sa anak namin. Hindi ko sya pinipiga sa mga sustento niya. Kung ano lang ibigay niya yun lang tinatanggap ko. Di ko sya ginagaral. Sobrang parang nag sisisi ako. Kasj ngayon ibang iba. Di ko alam pero eto yung nararamdaman ko. Di na ko makatulog at palagi na kong umiiyak. Kinikimkim ko lang to. Di ako nag sasabe sakanya kasi titino lang sya ng saglit pero babalik din sa ganyang ugali niya. Kung baga napagod na ko. Mas pinipili ko nalang manahimik. Di kami kasal. Nung nabuntis niya ko sya yung tumanggi sa kasal. Kaya pag nag kekwento ibang kaworkmates ko na nabuntis. Yung mga asawa nila ngayon yung nag insist sa harap ng magulang nila na magpakasal. Kaya feeling ko maling mali na pumayag ako na magpabuntis sakanya. Kasi in the first place sya yung gusto nang magkaanak. Pero akong tangang naniwala. Bat ako di niya ko kayang panindigan,? 💔Ngayon may anak na kami.. Feeling ko wala na. Habang buhay na ko makukulong sa sitwasyon na to. Pero kung di talaga sya para saken sobra kong pinag dadasal sa Diyos na sana mawala na din yung pagmamahal na nararamdaman ko sakanya.
Maybe you are undergoing postpartum depression. Hanap ka po ng friend or family na pwede mo paghingahan ng nararamdaman mo and most of all kay Lord mo ilapit. Ihinga mo, iiyak mo. Nakakagaan po ng pakiramdam. At syempre talk to your husband. Cya ung dapat na unang napapagsabihan mo at nakakapagpagaan ng loob mo. Tingnan mo din ung anak mo cause when you do lahat ng hirap, pagod, luha eh worth it dahil sa kanya.
hirap niyan momsh! nkakaramdam ako niyan lalo si husband ko onboard! 😢😭 i feel you! pero ngayon medyo ok nako ksi kasama ko ngayon mama at mother in law ko may katuwang ako.. hindi nila pinababayaan,, ifocus mo kay baby mo lahat,, momsh at wag ka masyado mgisip.. aliwin mo sarili mo.. kaya mo po yan, nakaya ko kakayanin mo din po,, God bless po satin! ❤️🤗 keep praying po everything will be ok!
Ako naman sinasabihan ako ng partner ko na oa lang daw ako. Hindi ko naman ginusto maramdaman to. Nakakaiyak lang ng sobra kahit ayaw ko maramdaman eh nararamdaman ko padin. Ang sakit lang lalo kasi para sakanya umaarte lang daw ako. Wala na nga sya sa tabi ko ngayong nagbubuntis ako ehh. Malalagpasan rin natin to mga mommies! 🙂
Nadedeepres po kau mommy manuod po kau ng mga nakakatawa tapos po mglibang po kau ng baby niyo po bonding po kau picture picture sa video video or kanta kanta po kau habang ng vivideo or mag tiktok kahit ano po paglilibang gawin niyo po para d po kau nadedeepres saka positive lng po plagi..
Ganyan ako b4 sa 1st bb ko.nasa bahay din ako nun ng asawa ko.. . Yung gusto mu umiyak pero ayaw mo matanong kung bakit.. Gusto mu umalis pero wala ka mapuntahan..nawala lang yan nung umuwi na ako sa bahay namin at dun ako tumira... Ngayong 2nd bb ko sobrang maramdamin ko nmn..
Ganyan po tlaga pag buntis😢. Ako din ganyan minsan sa work maluluha nalang😢😭Kausapin mo lang po si hubby mo sa mga nararamdaman mo para maintindihan niya din ikaw. Normal lang po yan. Gawa ka mga gusto mo gawin para mabaling doon ang isip mo.
Minsan ganyan talaga nakakalungkot. Try mo lumabas, magpa nailpolish, kumain ka sa labas mag isa, manood ka ng comedies or cartoons. Maglakad lakad ka sa mall mag window shopping or buy something para sayo. Try to be happy for the baby and for you.
sa lahat ng momshies n nkkrmdam nian, pray lng po tyo.. pag pkrmdam nten n prng ang lahat nag iiba, lapit tyo ke God, pray lng kasi siya nver mag iiba.. 😊 normal lng yan momsh at sana ma cope up mo anu mn pngdadaanan mo. kaya mo yan 😉
Depress ka mamsh. Try mo pong mag unwind. Magrelax. Hindi po healthy yan sayo at sa baby mo.
Yancy Tudio