UNGRATEFUL
Minsan pag nababasa ko dito yung kwento ng mga misis na hindi pinapahalagahan ng asawa, sinasaktan, pinipili makipag inuman sa barkada, nandidiri sa misis nila, sinasabihan ng hindi maganda, minumura, hindi tinutulungan sa pag aalaga sa anak nila, hindi iniisip yung depression ng isang ina... Napapaisip ako bigla at nagguilty, dahil kabaliktaran nun ang meron ako. Umiinom asawa ko pero laging nasa sala lang namin tapos kwentuhan at chill lang, never nanakit, never nagsabi ng ikakasama ng loob ko, never nagalit ng wala sa lugar, never nagpakain sa pride nya laging magsosorry wag nalang lumaki ang away, hanggat kaya nya ibibigay nya ang gusto ko kahit walang matira sa kanya... Pero kahit ganon, minsan inaaway ko parin sya at naiisip kong maghiwalay kami kahit magkakaanak na kami dahil lang feeling ko kawawa ako sa kanya, feeling ko mas maganda ang buhay ko kung magkahiwalay kami, feeling ko deserve ko ng mas better. Pero pagnakakabasa ako ng mga rant about sa buhay ng ibang mga momshies dito, napapacompare ako at nasasaktan para sa asawa ko, dahil wala pala syang ibang ginawa kundi ipakita sakin that I'm worth all his sacrifices. Para sa mga mommies na dumadaan sa pagsubok sa relationship nila, always choose to be happy and be strong.