Palabas lang ng sama ng luob.

Minsan maiiyak ka nalang talaga, yong ikumpara ka sa ibang buntis. Keso bakit daw may nakikita syang mga buntis na ang lakas ako daw napakalambot. Ee totoo naman mga nararamdaman ko im 35weeks and 6days na hirap bumangon madalas pulikat, tas yong kaliwang pisngi ng pwet ko parang mapuputol sa subrang sakit , di ko agad makatayo o makalakad kc ang sakit tapos puson ko mabigat minsan. Pagnagluto pa ako parang naninigas ang tyan ko. Nakakasama ng luob na di ka manlang maintindihan ng asawa mo pero halos wala naman ako gawain talaga sya lahat business tas pag uwi sya maglalaba. Cguro pagod na pagod lang sya kaya nasasabi nya yon pero nasasaktan ako ikumpara sa ibang buntis. 😭 Di daw ako healthy. Ganun ba talaga? Ako lang ba talaga ang buntis na napakawalang kwenta na napakalambot. Baka iniisip nya nagiinarte ako. Minsan naiisip ko pagnamatay kaya ako matutuwa kaya sya? Kc wala na syang obligasyon pwera sa panganay namin. Ang sama lang ng luob ko.

10 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Same tayo ng feeling mi feeling ko napaka hina ko na buntis🥺 ang kaibhan lang naintindhan naman ako ng asawa ko first baby namin ito, never ako nakarinig ng bad na salita sakanya paminsan ako pa nga ang makapg salita lalo na kapag galit ako pero hindi ako proud dun at mas lalo niya pa ko iniintindi dahil buntis ako. Pero ako naman kasi hangga't kaya ko ginagawa ko like siya maglalaba ng damit tapos ako sa mga panty brief or medyas niya even uniform sa work small things para makatulong ako prinepare ko rin mga gamit niya sa work, food niya at iba pa niya gamit. Kahit pamnsan my sumasakit na rin sakin haha pero iniisip ko kung magtatamad lang ako ako rin mahihirapan need din kasi natin kumilos kilos eh pamnsan sa kakahiga pa nga natin tayo nangangalay or sasakit yung mga parts ng katawan. Mas nahihirapan ako kapag lagi lang ako nakahiga. Tatagan mo lang loob mo mi! Naiintindihan ko yung nararamdaman mo and walang mali dun, as long as gingawa mo best mo okay na yun. Good luck sa pregnancy journey natin hihi❣️

Magbasa pa