Palabas lang ng sama ng luob.
Minsan maiiyak ka nalang talaga, yong ikumpara ka sa ibang buntis. Keso bakit daw may nakikita syang mga buntis na ang lakas ako daw napakalambot. Ee totoo naman mga nararamdaman ko im 35weeks and 6days na hirap bumangon madalas pulikat, tas yong kaliwang pisngi ng pwet ko parang mapuputol sa subrang sakit , di ko agad makatayo o makalakad kc ang sakit tapos puson ko mabigat minsan. Pagnagluto pa ako parang naninigas ang tyan ko. Nakakasama ng luob na di ka manlang maintindihan ng asawa mo pero halos wala naman ako gawain talaga sya lahat business tas pag uwi sya maglalaba. Cguro pagod na pagod lang sya kaya nasasabi nya yon pero nasasaktan ako ikumpara sa ibang buntis. ๐ญ Di daw ako healthy. Ganun ba talaga? Ako lang ba talaga ang buntis na napakawalang kwenta na napakalambot. Baka iniisip nya nagiinarte ako. Minsan naiisip ko pagnamatay kaya ako matutuwa kaya sya? Kc wala na syang obligasyon pwera sa panganay namin. Ang sama lang ng luob ko.