Di makapupu

Hello mi. Ask ko lang nakakaexperience din ba kayo ng hirap sa pagpupu. Ngayon po kasi mejo matigas yung pupu ko di ko mailabas. Ano po kaya pwede gawin? Ayoko naman po pilitin ilabas. Masama po ba sa buntis yun.. 19weeks po ako. Salamat sa sasagot.

13 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Mag incorporate po kayo high fiber sa mga pagkain po. Ako po, ganyan rin. Included ko po sa pagkain ko ay 1 medium apple sa isang araw few slices morning tapos yung iba po kainin nyo sa mga kaligatnaan. Nag o-orange rin po ako. Gulay po sa mga ulam narin natin maigi. Green peas, baguio beans, mga beans po na mga sahog. Uminom rin po madalas ng tubig sa buong araw, kahit after umihi sa madaling araw, tapos pag gising sa umaga po again isang baso. Sinubukan ko rin po yung whole wheat bread na gardenia. Isang slice lang po pwedeng mid morning snack or mid afternoon depende po na may kasamang isang itlog para may lasa, tapos sinubukan ko rin isang yakult depende kung sa mid morning or pag meryenda na. Pwede rin kung walang allergies, 20 pcs peanuts para hindi masobrahan sa calories. Maari kayo mag search ng mga high fiber foods good for pregnancy na okay po sa inyo.

Magbasa pa